Nagmamadali aking kilos dahil baka mapag-iwanan ako ng bus papunta sa Lugar namin. Hindi na ako Magdadala ng sasakyan dahil balak Kong matulog sa byahe. Dahil inaantok pa ako sa sandaling ito. Halos dalawang oras lang Ang aking tulog. Nang masiguro Kong maayos na Ang aking dadalhin ay nagpaalam na ako sa aking kasambahay na sila na muna Ang bahala rito. Binigay ko na rin ang sahod nila ng dalawang buwan. Sobrang saya ng mga ito dahil may advance sahod na sila.
Pagkarating ko palang sa terminal ng bus ,agad Akong kumuha ng ticket pauwi sa Sta. Barbara. Malapit na din Pala itong mapuno . Mabuti na lang nakahabol pa ako. Tumabi ako sa lalaking nakatudo jacket ,naka shade at sumbrero. Hindi ko makilala Kong sino ang katabi ko. Eh ano Naman ngayon Kong sino ito. Basta ako uupo Dito sa tabi niya. Ayaw ko Naman tumabi sa matabang babae na iyon. Sure ako na ihuhulog lamang niya ako sa aking upuan. Nang mapuno na Ang sasakyan. Tuluyan ng pinatakbo ng driver Ang bus.
Sa mahaba naming biyahe. Matiwasay kaming nakarating sa bayan ng Sta Barbara. Pagbaba ko ng bus, agad Akong naghanap ng mauupahan na maliit lamang na kwarto. Hindi ako pwedeng magtigil sa Bahay namin dahil Hindi ako makaka-kilos ng maayos kapag kasama ko Ang aking pamilya ko.
May nakita Naman agad Ako. Kaya Naman lumapit ako sa babaeng nagwawalis sa harap ng paupahan. "Manang sino po Ang may Ari ng paupahan na ito."tanong ko rito. "ako ineng, uupa ka ba,? tanong nito tumango ako rito bilang sagot."Tara sa loob upang Makita mo ineng. Mura lang Ang upa ineng. Tatlong libo kada buwan , 1 month advance 1 month deposit ." wika ng may-ari. Agad Naman Akong nagbigay ng bayad sa tatlong buwan Kong pananatili rito. Pagka-alis ng may -ari ,nilibot ko aking mata sa kabuuan ng bahay. Malinis Ang kwarto at maliit lang siya. May sariling banyo at lababo. Hindi ko na kailangan lumabas para mag-igib. Meron na rin palang papag at manipis na kutson. Unan at kumot na lang Pala Ang kulang. Kaya Naman iyon Ang na lang Ang bibilhin ko.
Kaya Naman magpapahinga na muna ako ng ilang sandali Saka pupunta ng tindahan upang bumili ng kulang rito sa bahay. Kailangan ko na rin palang mag grocery na kailangan ko sa kusina.
Ilang sandaling pamamahinga ko, tumayo na ako upang bumili ng kulang Dito sa bahay. Tinago ko muna aking mga gamit sa misyon ,nang masiguro Kong naka ayos na Ang lahat . Saka ako lumabas ng inuupahan Kong bahay. Hindi kalayuan Ang tindahan rito. Kaya naman nilakad ko na lamang ito. Ang una Kong puntahan ay Ang grocery store. Kumuha lamang ako ng sapat na aking kailangan. Syempre Hindi ko makakalimutan Ang alak. Nang tapos na ako sa kailangan ko rito sa grocery store, sa pamilihan ng unan at kumot pupunta. Nang kompleto na aking kailangan kailangan ko ng umuwi. Hindi Naman karamihan Ang pinamili ko kaya Hindi mabigat Ang mga ito. Muli Akong naglakad pauwi.
Nang makarating ako sa aking inuupahan ay inayos ko muna Ang pinamili ko. Saka Naman ako nakaramdam ng gutom. No choice ako kundi noodles Ang aking kakainin ngayong Gabi. Bukas na lamang ako kakain ng kanin. Sanay na rin Naman ako sa pagkain na ganito Lalo na kapag nasa misyon kami. Nagpakulo ako ng tubig Saka niluto Ang noddles. Nang matapos na Akong lumamon. Kailangan ko munang magpahinga dahil balak Ko ng simulan ngayong gabi Ang aking misyon. Magsimula ako sa intsik na iyon. Upang alamin Kong sino Ang mga kasama nito sa kinabibilangan nitong grupo.
Pagsapit ng alas- nwebe ng gabi. Ito na Ang tamang oras. Ang kailangan ko lang Gawin ay maglakad -lakad lamang sa daan. Puro mga kabataan Ang target Ng mga ito. Magdadala lamang ako ng baril at kutsilyo nilagay ko mga ito sa aking bag na dala. Hindi Naman basta-basta matatanggal sa aking katawan Ang aking bag dahil nakakabit ito sa aking katawan. Nang maayos na ako Saka naman ako lumabas sa aking silid. Walang katao -tao sa buong paligid dahil siguro ay takot na Ang mga ito. Mabuti Naman Kong ganun. Naglakad -lakad lamang ako Hanggang sa makarating ako sa parke. Napansin ko ang nakahintong van sa tapat ng mini Mart Kong saan ako bumili ng kanina. Kumunot Ang noo ko ng may kalalakihan Ang nasa loob. Narinig ko pa na nagtatawanan Ang mga ito. Nagtago ako sa likod ng van upang Hindi ako Makita ng mga ito. " please wag ,maawa kayo kahit kunin na ninyo lahat ng paninda at Pera ko wag niyo lang kukunin Ang aking anak,"umiiyak na pakiusap ng babae. Alam Kong ito Ang may Ari ng mini Mart." s**t Ang bata. Talagang pinasok na rin nila Ang kabahayan upang makuha Ang mga bata.bulong ko. Ngunit Hindi ko hahayaan na makuha ng mga hayop na to Ang bata. Mabilis Akong naglagay ng panyo sa aking mukha upang Hindi ako makilala ng aking mga kalaban. Kaya Naman maliksi ang aking bawat kilos upang makalapit sa pinto ng store. Hindi ako makikita ng mga ito dahil nakatalikod Ang mga ito." wag kana kasing umangal babae, babayaran ka Naman namin Kapalit Ang iyong anak,"Turan ng isang lalaki. Sumilip ako sa loob Kong ilan Ang aking kakalabanin ,pito lamang sila. Lumingon sa akin Ang lalaking marami Ang tatto sa katawan. Sinalubong ko ito ng malakas na sipa sa kanyang mukha kaya ito tumalsik sa mga kasamahan nito. "sino Ka? ang lakas ng loob mong pumasok rito. Alam mo bang pumapatol kami kahit babae pa yan." anas sa akin ng pinaka lider nila. Ngunit Hindi ako nagsalita. Ngumisi lamang ako sa mga ito. " boss pwede natin siyang Kunin ,mukhang bata pa ," Turan Naman ng Isa pang lalaki." hmm pwede Naman at hinimas pa nito Ang makapal nitong kilay ," malaki Ang kikitain natin sa kanya. Kaya ano pang ginagawa niyo, Kunin siya upang madala Kay boss kamutzo ," anas ng lalaking makapal Ang kilay. Bingo ! kailangan may isang magdala sa akin sa intsik na iyon. Kaya Naman naghanda na ako sa kanilang paglapit sa akin. Akala nila hahayaan ko sila sa kanilang gagawin Sakin ,utot nila mabaho," bulong ko.Lumapit sa akin Ang dalawang lalaki.
Nang hahawakan na sana ako sa aking braso ay inunahan ko na sila. Sabay Kong hinawakan Ang mga braso nila Saka pinag-untog Ang mga ulo Ng mga ito,kasabay ng pagtuhod ko sa kanilang itlog upang dumaing sila sa sakit. Mabilis Kong binitiwan Ang dalawang lalaking hawak ko dahil may kutsilyong papalapit sa akin at tatama sa aking katawan mabuti na lang malakas ang aking pakiramdam Kaya nakaiwas ako., Hinuli ko Ang kutsilyo na tinarget sa akin sabay ikot ng isang beses upang ibalik sa may-ari ng kutsilyo. Tumama Naman ito sa kanyang leeg. Mabilis Kong ikiniling aking ulo dahil may kutsilyong papalapit muli sa akin ito ay tatama sa aking mukha ngunit hindi hahayan na mangyayari iyon. " Hindi " aaahh ", malakas na sigaw ng lalaking tinuhod ko sa itlog kanina. Ito Ang natamaan ng kutsilyo imbis na ako. " Hala ka ,pinatay mo siya,mumultohin ka niyan," wika ko sa lalaking tumarget Sakin ." Ikaw Kasi eh ,bat ka umilag". sagot Sakin nito.
" kasalanan ko pa ngayon," muling anas ko. " hoy baliw na babae wag mo Akong pinagluluko," galit na wika nito ,Agad na sumugod sa akin. Aba "!manu -manu Ang gusto nito, Sige pagbibigyan kita," bulong ko.Nagtaka Naman ako dahil Wala silang dalang baril. Puro kutsilyo Ang gamit lamang ng mga ito. Maliksi akong umiwas dahil sa susuntukin ako nito sa aking mukha , ngunit hindi ko iyon hahayaan . Sayang Ang Ganda ko kapag nasugatan. Hindi ko na pinatagal pa isang malakas na suntok sa batok nito Ang aking pinagkaloob ,Hanggang sa walan na ng Buhay. Subalit, mabilis Akong umiwas dahil sa lalaking susuntok sana saking tiyan. Ngunit isang ikot aking ginawa sabay tungtong sa balikat ng susuntok sana Sakin sabay pilipit ko sa leeg nito upang tuluyan walang ng buhay. " animal Kang babAe ka," sigaw sakin ng kanilang lider dahil mag-isa na lamang ito. Ngumisi lamang ako rito. Upang mas lalong maaasar sa akin. Nakita kong binunot nito Ang kutsilyo sa kanyang bewang at itinaas Saka mabilis na lumapit sa akin. Mabilis ko Naman nahawakan Ang braso sabay pilipit ko sa kamay nito upang tuluyang mabitawan ang kutsilyong hawak.
Binigyan ko ito ng dalawang suntok sa sikmura ,sabay tutok ko sa leeg nito Ang kutsilyong aking hawak. " sino ang boss mong pinaglilingkuran, kada.maling sagot mo may mahihiwa sa iyong katawan ,kaya magsabe ka sa akin ng totoo." anas ko.
"wa-wala Akong boss,Wala Akong pinaglilingkuran,"sagot nito. Ayaw mong magsabi ng totoo ah," hiniwa ko Ang Isa nitong tainga kaya napingasan ito," aaaahhhh " narinig Kong daing nito. " ano masarap ba" baliw Kong tanong rito. " hayop kang babAe ka,Wala Kang makukuha sa akin," anas nito. Kaya naman sa kabilang tainga Naman Ang tinanggal ko," aaahhhh ," muling daing nito. "kahit patayin mo pa ako Wala Akong sasabihin sayo," sigaw nito. Ako pa naman yong taong kaunti lang Ang pasensia Kaya Hindi ko na ito papatagalin pa." Sige ayaw mo pa rin umamin ha, Ang manoy mo Naman ngayon Ang tatanggalin ko," baliw Kong saad.
Hahawakan ko na sana Ang zipper ng pantalon nito ng- "Sabihin ko na Kong sino Ang boss ko si Mr.Kamutzo ,siya Ang boss namin,wag mo Akong papatayin."kabadong wika nito.
" Dalhin mo ako sa boss mong kalbong panot ." saad ko.
"Sige basta wag mo lamang Akong papatayin."anas nito.
"wag mo lang Akong gugulatin at baka malagyan kita ng gripo."sagot ko.