NANG matapos maglinis ni Yssabelle sa living area sa condo ni Sir Trent ay humakbang siya patungo sa kusina nito. Nag-request kasi si Sir Trent na ipagluto niya ito ng dinner, sa condo daw kasi ito magdi-dinner. At ang request nito ay ipagluto niya ito ng Sinigang na hipon. Medyo nag-aalanganin nga siya sa request nitong dinner dahil never pa siyang nagluto ng Sinigang na hipon, hindi niya alam kung paano iyon lutuin o hindi kaya ay paano niya titimplahan iyon kung sakaling iluluto niya. Baka kasi hindi nito magustuhan ang lasa kung sakali. Naisip na lang niya na magbi-base na lang siya sa cooking instruction na nabasa niya. Allergic kasi si Yssabelle sa mga seafoods, lalo na iyong may mga shell. Bata pa siya noong malaman niya na allergic siya sa mga ganoong pagkain. One time na kumain

