AKMANG tatayo si Trent mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair ng mapatigil siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone na hawak niya. Itinaas naman niya ang hawak na cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag sa sandaling iyon. Nakita at nabasa niya na si Sandy ang tumatawag sa kanya. Sandy is one of her fling. Anak ito ng isa sa mga board of Director ng kompanya niya. First meeting nilang dalawa ay noong nakaraang buwan kung saan sumama ito sa Papa nito ng mga Inauguration Party ng Falcon Empire. Napansin agad ni Trent ang pagpapansin ni Sandy sa kanya noong una silang dalawa na magkita, hindi na nga nito hinintay na ipakilala ito ng ama dahil kusa nitong ipinakilala ang sarili sa kanya. Napansin din niya ang pagbibigay nito sa kanya ng motibo. At dahil lalaki siya at babae na ang k

