"P-PINULOT ko lang po d-dahil nahulog ang...ang.." Hindi masabi ni Yssabelle ang salitang gustong sabihin kay Sir Trent dahil nahihiya siya, nahihiya siyang sabihin dito ang salitang brief. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang kanyang nararamdaman. Nahihiya siya dito baka kasi isipin nito na binubutingting niya ang mga damit nito sa laundry basket. Baka iniisip nito na sinisilip niya ang brief nito. Hindi naman kasi inaasahan ni Yssabelle na mahuhulog ang brief nito ng damputin niya ang pinagbihisan nito kanina. "H-hindi ko po-- "Here," hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng magsalita ito. Bumaba naman ang tingin niya sa inaabot nito at nakita niya na hawak nito ang sling ba

