MAGKAYAKAP na naman sila Yssabelle at Trent nang magmulat siya ng mga mata kinabukasan. Hindi lang iyon, nakaunan pa siya sa braso ni Trent habang ang baba naman nito ang nakapatong sa ulo niya. At base sa mabining hininga nito ng sandaling iyon ay mukhang sarap-sarap ang tulog nito. Kung may ibang taong nakakikia sa kanila ay iisipin ng mga ito na sweet na sweet sila dahil sa posisyon nilang dalawa. Pero alam naman niya kung ano ang totoo. Kaya ninamnam na lang niya ang bawat sandali dahil alam naman niyang kapag gising na ito ay hindi na sila ganoon. Ilang sandali si Yssabelle na hindi gumalaw sa kinahihigaan. Ninanamnam ang pakiramdam na nakayakap sa kanya si Trent. Bihira din kasing mangyari iyon. At makalipas ang ilang sandali ay do'n niya dahan-dahan na itinaas ang kamay nitong nak

