"LET'S talk, Xander." Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtayo ni Xander mula sa pagkakaupo nito sa sofa matapos sabihin ni Trent ang mga iyon sa lalaki. "Good luck, Pare," narinig naman niyang wika ni Chester kay Xander sa natatawang boses ng balingan nito ang kaibigan ni Trent, mukhang inaasar ni Chester si Xander. At nang balingan naman niya si Xander ay bakas sa mukha nito ang pagtataka sa nangyayari. Mukhang naguguluhan ito. Well, hindi lang naman ito ang nag-iisa, naguguluhan din siya sa kinikilos ng dalawang magpinsan. Mayamaya ay lumabas naman na si Trent sa opisina nito. "Let's go, Chester. Hindi ba gusto mo ding kausapin si Trent?" mayamaya ay wika ni Xander dito, mukhang gusto nitong kasama si Chester sa pagkakausap kay Trent. "I change my mind," na

