NANG magmulat ng mga mata si Yssabelle ay ang una niyang namulatan ay ang puting kisame. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatitig siya sa puting kisame. Pagkatapos niyon ay inilibot niya ang tingin sa paligid at doon niya napansin ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. Nasa ospital ba siya? tanong naman niya sa isip. Pilit din niyang inaalala kung paano siya napunta sa ospital hanggang sa naalala niya na nahirapan siyang huminga ng kasama niya si Trent noong nasa garden silang dalawa sa mansion. Naalala din niya ang takot na bumalatay sa mukha ng asawa ng mawalan siya ng malay. Yssabelle have no idea why she can't breath that time. Eh, wala naman siyang sakit sa puso o hika. Ganoon lang ang nararamdamam niya kapag may nakakain siyang bawal o allergic siya. Pero mukhang

