"CANCEL the meeting today, Tina," wika ni Trent sa secretary niya ng madaanan niya ito sa cubicle nito pagpasok niya sa opisina. Hindi na din hinintay ni Trent na magsalita ang secretary niya, binuksan na niya ang pinto at saka na siya pumasok sa loob ng opisina. Alam naman kasi niya na susundin nito ang inuutos niya, kilala na kasi niya ito. Kung ano ang sinabi niya, dapat iyon ang masunod. Hindi nito dapat kontrahin at wala ito sa lugar para kontrahin siya. He is the boss. May meeting kasi si Trent sa mga Board of Director mamayang hapon. But he's not in the mood today kaya gusto niyang i-cancel iyon at i-reschedule na lang sa susunod na araw kung nasa mood na siya. Magkasalubong ang mga kilay ni Trent na humakbang siya sa executive table niya. At bago siya maupo sa swivel chair ay

