"HELLO po, Sir Trent." Napatigil si Yssabelle sa pagsasaayos sa dining table ng marinig niya ang pagbati na iyon ni Anna. Nag-angat naman siya ng tingin patungo sa hamba ng pinto sa may dining area at nakita niya si Sir Trent na nakatayo do'n. "Is my lunch ready?" tanong nito sa baritonong boses. "Yes, Sir," mabilis naman na sagot ni Anna dito. Inalis naman na ni Yssabelle ang tingin kay Sir Trent at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Bago pumasok ito sa loob ng dining area ay inaayos niya ang mesa para matawag na nila ito plan kumain. Handa na nga ang lunch nito dahil nailuto na iyon ni Anna pero iyong mesa ay hindi pa siya tapos. Nilalagay pa lang niya ang mga plato at kubyertos na gagamitin nito. Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita ni Yssabelle na tuluyan ng pumasok s

