NAKIKIPAG-kwentuhan si Yssabelle kay Ate Mae ng sandaling iyon nang mapatigil sila ng marinig nila ang boses ni Manang Susan. At nang mag-angat sila ng tingin ay nakita nila si Manang Susan na pumasok sa loob ng dirty kitchen kung nasaan sila ng sandaling iyon. "May kailangan po kayo, Manang Susan?" tanong ni Ate Mae dito ng tuluyan itong huminto sa harap nila. Sa halip naman sa sagutin ni Manang Susan si Ate Mae ay sumulyap ito sa kanya. Mukhang sa kanya may kailangan si Manang Susan dahil sa kanya tumuon ang tingin nito. "Bakit po?" tanong naman niya kay Manang Susan ng magtama ang mga mata nila. "Nandiyan na ang sundo mo," imporma naman nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya sa sinabi ni Manang Susan. "Po?" sambit naman ni Yssabelle, mababakasan ng pagtataka ang bose

