HINDI napigilan ni Yssabelle ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang matapos niyang lagyan ng mga pagkain ang lunch box na dadalhin niya sa ospina ni Trent. Kanina kasi ay tumawag ito sa kanya kung pwede niya itong lutuan ng lunch at dalhin sa opisina nito. Bigla kasi nitong gustong kumain ng lutong ulam kaya gusto niya itong dalhan ng lunch. Well, simula noong pinagsabihan siya ni Trent na um-acting pa din siya kahit na walang nakatingin sa kanila ay hininto na niya pagbabaon dito ng lunch kapag papasok ito sa opisina. Ayaw na kasi niyang mapagsabihan siya ulit ng ganoon. Sinabi din ni Trent na papasundo siya nito kay Manong John pero sinabi niya na huwag na lang. Magko-commute na lang siya papunta sa opisina nito at sinabi niyang dadaan siya ng Mall para mag-grocery ng ilang stock

