Chapter 112

1866 Words

PARANG may malaking bagay na nakadagan sa katawan ni Yssabelle ng sandaling iyon habang hinahalikan siya ni Trent sa harap ni Victor at sa harap ng mga empleyado nito na naroon sa lobby ng building nito. Nanlalaki nga din ang mga mata niya habang patuloy siya nitong hinahalikan. Hindi naman niya alam kung bakit ginawa iyon ni Trent, kung bakit hinalikan siya nito sa maraming tao. Akala ba niya ay ayaw nitong sabihin ang tunay na relasyon nila? Akala ba niya ay ayaw nitong malaman ng iba na asawa siya nito? Pero bakit hinahalikan siya nito? Ilang sandali ding siya nitong hinalikan hanggang sa pakawalan nito ang labi niya. Hindi naman niya napigilan na isubsob ang mukha sa dibdib ni Trent dahil hindi nahihiya siyang pakiharapan si Victor at ang mga empleyado nito dahil sa ginawa ni Trent

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD