Chapter 24

2001 Words

BUMANGON si Trent mula sa pagkakahiga niya sa kama ng magising siya. Bumaling naman siya sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng bedside table para tingnan kung may importaneng message ba siya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita na may text message si Chester sa kanya. Sa halip naman na buksan para basahin iyon ay in-ignore na lang niya. Alam naman kasi niyang wala itong importanteng sasabihin sa kanya. Muli naman niyang ipinatong ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos niyon ay humakbang siya papasok sa loob ng banyo para maghilamos at mag-toothbrush. At nang matapos ay lumabas na siya do'n. Sinuklay naman niya ang buhok gamit ang kanyang daliri. At bago siya lumabas ng kanyang kwarto ay dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD