"ANO pong nangyari kay Sir Trent?" tanong ni Yssabelle kay Manong John nang makalapit siya ng tuluyan sa mga ito. Napansin naman niya ang pag-angat ng tingin ni Manong John sa kanya ng marinig nito ang boses niya. "Nagkayaan si Sir Trent at si Sir Chester na mag-inuman sa bar," sagot naman ni Manong John sa kanya. "Oh," sambit naman niya. "Hmm...tulungan ko na lang po kayong alalayan si Sir Trent, Manong," mayamaya ay wika niya dito. Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita, humawak siya sa braso ni Sir Trent pala alalayan din ito. Alam kasi niyang hindi kaya ni Manong John na alalayan ng mag-isa si Sir Trent, mabigat kasi ang lalaki at idagdag pa na may edad na din si Manong John, mahihirapan talaga ito. Medyo nahirapan nga si Yssabelle sa pag-alalayay kay Sir Trent dahil hal

