Tumigil ako sa pagbi-bisikleta rito sa playground ng village. Malayo ito sa bahay namin. Ini-stand ko ang bike ko sa tabi ng bench at umupo roon. Walang mga bata ngayon dahil hindi naman weekend. Nakasuot ako ng racerback pero hindi croptop at isang black na leggings, na tinernuhan ng isang rubber shoes. Tumigil ako rito para magpahinga saglit at para na rin magisip kung saan at anong klasing date ang gagawin ko. Bakit kasi naging date? E, ililibre ko lang naman siya. Nagsearch ako kagabi sa google kung saan may magandang puntahan pero halos lahat ay romantiko. Hindi ko yata kayang gawin 'yon. Sobra akong nahihiya at kung gagawin ko man 'yon ay magiging first time ever in my entire life na gawin 'yon. You see? Lahat ng first ko ay nangyari nang dahil sa kan'ya. Napatingin na lang ako s