Pagkatapos naming kumain at magkape ay inihatid niya ako sa bahay. Hinintay niya muna akong makapasok bago siya umalis. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay agad akong umupo sa sofa. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yung kanina kaya napangiti na lang ako bigla. "Anong meron at ngumingiti ang anak ko?" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. "Mama naman e!" inis kong sabi dahil ginulat niya ako. Umupo siya sa tabi ko, "May nangyari ba? Bakit ka ngumingiti na lang bigla?" usisa ni Mama sakin. "Wala, ma. May naalala lang po." "Aysus! May namamagitan ba sa inyo?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. "Ma, ano? Wala! Bakit mo naman naisip yan?" "Ang defensive mo naman. Nagtatanong lang naman." "E, wala naman po." "Okay, kumain ka na ba?" tanong ni Mama. "Opo, busog pa p

