Walang buhay at pagod akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko na tiningnan kung sino ang nasa sala at diretso lang akong umakyat papunta sa k'warto ko. Tinawag ako ni Mama pero hindi ko na siya sinagot dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko. Pagkapasok ko sa loob ng k'warto ko ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Nakipagtitigan ako sa kisame at pagkatapos ay bigla na lang ako napatakip sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Ano bang nangyayari sa akin? Umupo ako sa kama at tinanggal ang rubber shoes ko. Inipit ko rin ang maliit kong buhok kahit may ilang hibla na nakakatakas. Muli akong humiga sa kama ko at naisipan kong matulog na lang muna. Pero sa tuwing pipikit ako ay lumilitaw ang imahe nang nangyari kanina. Napaupo ulit ako sa kama ko at bahagyang itinampal ang noo ko. "Che?

