Nasa kuwarto ako ngayon habang nakaharap ako sa laptop ko. Ang sabi kasi nila lumabas na raw yung result sa PLE. Kinabahan ako habang binubuksan ang link. Mag-isa lang ako rito dahil nasa office sila Mama at Papa hindi ko rin kasi sinabi na ngayon lalabas ang results. Kinakabahan din kasi ako baka hindi ako nakapasa. Wala rin si Bryan dahil busy siya sa kan'yang trabaho at business. Ayos lang sa akin, ayaw kong ma-dissapoint sila kung sakali man na hindi ako nakapasa. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at nanalangin na sana ay makapasa ako kahit hindi na nasa top basta makapasa na lang. Pagkatapos ay malalim akong huminga at tiningnan na ang mga nakapasa. Thank God at hindi malayo ang first letter ng surname ko. Ang dami nasa letter b pa lang ako! Natigil ako sa paghahanap ng pangalan k

