Kabanata 6

3682 Words
Fight For Us Kabanata 6 "Ang bango naman!" Nakita ko si Mama na nag luluto ng adobo. Pumuwesto ako sa may likuran niya at pinanood siyang mag luto. Nilingon niya ako at tinaboy. "Mag ayos ka na sa hapag. Malapit na 'to. Ando'n na sa may gilid ng lababo 'yong mga plato. Pag tapos mo diyan tawagin mo na sila Papa mo at para makakain na." Sinunod ko si Mama. Inayos ko ang hapag. Kinuha ko ang mga placemats at inayos iyon. Maingat ko ring inayos nag mga mababasagin na pinggan at baso. Kutsara at tinidor naman sa may parehong gilid ng pinggan. Dala-dala ko ang mangkok na may kanin. Inilagay ko iyon sa gitna ng lamesa. Tinignan ko ng maigi ang hapag at inalala kung ano ba ang kulang. Masiyado ko itong sineseryoso kaya naman natutuwa sa akin si Mama sa tuwing ginagawa ko ito. Maingat na inilagay ni Mama ang bagong lutong adobo sa tabi ng kanin. Pinakatitigan niya ako at bumalik sa lamesa. Sa tingin ko'y alam niya ang iniisip ko. "'Yong tubig." Napalaki ang akong dalawang mata. "Hala. Oo nga!" Tumatawa kong inilabas sa ref ang isang bottle ng coke 1.5 na laman ay tubig. Inabot iyon ni Mama at siya na ang nag lagay sa lamesa dahil pinapatawag na sa akin sila Papa. Inuna ko si Papa. Sumunod si kuya at huli si Clarisa na inaayos na si Stacy sa kaniyang crib. "Kumusta ang trabaho, 'Nak?" Tanong ni Mama kay Kuya. Nilunok muna ni Kuya ang pagkain bago sinagot ang tanong ni Mama. "Maayos po. Napaka bait po ng aming head. Nakausap ko rin po kanina 'yong may-ari," aniya. "Oh, kumusta naman ang amo mo?" "Iyon lang Papa. Masungit. Masiyadong mataas ang tingin sa sarili niya." Natapos ang hapunan at si Clarisa ang nautusan ni Mama na mag hugas ng pinagkainan, kaya naman ako ang nag bantay kay Stacy. Nilalaro ni Stacy ang kaniyang mga laruan sa crib. Pinag mamasdan ko na lang ang pamangkin at paminsan minsan ay ginugulo sa pag lalaro. Paiyakin ko kaya 'to? Kinuha ko si Stacy sa kaniyang crib at iniupo sa may kama ni Clarisa. Ayoko nga ilagay si Stacy sa kama ko baka biglang umuhi 'to. Wala kasing diaper ngayon si Stacy, hindi ko alam kung bakit hindi nilagyan. Nakakunot ang noong pinag mamasdan ako. "Ti-ta. Say Tita, Stacy," sabi ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ziya marunong mag salita. Lagi siyang tinuturuan para masanay na at baka bago pa lamang mag isang taon ay makapag salita na kahit pa-paano. Hindi ako pinansin ni Stacy, nag patuloy lamang siya sa kaniyang paglalaro ng teddy bear. Kawawa na nga ang kaniyang teddy bear dahil lagi niya itong isusubo. "Wala na, wala na, Stacy." Kinuha ko sa kaniya ang teddy bear dahil isunubo na naman niya. "Baho na, Stace. Isubo mo ba naman," sabi ko. Unti-unting namuo na ang luha sa kaniyang dalawang mata kaya naman agad kong ibinalik ang teddy bear niya. Napigilan ko naman ang kaniyang pag hikbi kaya napahinga ako ng maluwag. Gumapang si Stacy palayo sa akin. Doon siya pumuwesto sa may unan ng mama niya. "Hindi ko naman kukunin teddy bear mo." Umusog ako sa kaniya. Inilipat niya ang laruan sa kaniyang likuran. "Kung sana pag sasalita ang una mong natutunan kaysa sa pagdadamot ng laruan, malamang ay mas natuwa pa ako sa iyo." "Inaaway mo na naman anak ko!" "Hoy! Hindi, ah! Pinag dadamot ba naman niyan ni Stacy 'yong teddy bear, sinusubo niya kaya 'yan," sagot ko kay Clarisa. Hindi ko na malayan na pumasok siya, nagulat na lang ako nang mag salita siya kanina. Lumapit siya sa anak at kinuha ang teddy bear nang iiyak na si Stacy, kinarga niya ito at pinatahan. Inilagay niya sa lamesa ang laruan bago ibinalik sa crib si Stacy. Nang maibaba ang anak, agad na nag laro ito nang mga iba pa niyang laruan. Wala na akong magawa kaya humiga na lang ako at pumikit. "Ate." "Oh?" "Kailan natin sisimulan 'yong business?" "Kailan mo balak?" Nakarinig ang ng yapak papalapit sa akin kaya kinuha ko ang unan at pinatong sa aking mukha. "Ikaw ang mamumuhunan muna, 'di ba?" tanong ni Clarisa. Tinangal niya ang takip na unan sa aking mukha at pilit na ipinaupo ako sa kama. "Kaya nga. Ikaw ba? Kailan mo kakailanganin? May pera ako next week." Tumingala siya na tila ba nag iisip nang maigi bago ibinaba ang tingin sa akin. "Mag kano?" Kagat kagat ko ang aking ibabang labi na kinuha ang cellphone nang tumunog ito. May text akong natangap mula sa aking amo. Bumale kasi ako sa kaniya para sa pamuhunan ni Clarisa. Boss: 5k? Two weeks mo nang sahod yon. "Saglit lang, Clarisa. Re-reply-an ko lang 'to." To Boss: Opo. Kailangan po kasi ni Clarisa. Puwede po bang sa susunod na linggo po ang kaltas? Bale, 'yong pang ngayong linggo po sana ay makuha ko pa po. Nakatayo lang si Clarisa sa harapan ko at hinihintay na matapos ako sa pag te-text. Mabilis ding nag reply sa akin ang amo ko at pumayag naman siya. Kuhain ko na lang daw ang sahod ko bukas para sa linggong ito at para sa five thousand na bale ko. "Tuesday naman bukas, 'di ba? Day off ko sa store kukunin ko na ang sahod ko," sabi ko. Tumango naman si Clarisa. Tuwing Tuesday ko kinukuha ang sahod para sa nag daang linggo. "Ano nga ulit pinag uusapan natin?" tanong ko. "Ah, mag kano pera mo next week?" "Hindi ko alam. Ah. Bukas naman ay makukuha ako ang sahod sa store, suguro idagdag natin 'yon?" Nakita kong nag aalinlangan siya. "Paano Ate pag may kailangan ka sa school?" nag aalalang sambit niya. Umiling na lang ako. May isa pa naman akong trabahong nakuha dahil nga sa nalalapit na birthday ni Stacy. "Hindi, okay lang. At saka, wala nang babayaran." Hindi ako nilubayan ng tingin ni Clarisa kahit na halos mag iisang oras na mula noong matapos ang usapan namin tungkol sa idadagdag kong pera para sa kaniyang binabalak na business. "Ate–" "Sigurado na ako doon, Clarisa kaya tigilan mo ako sa mga tingin mo na 'yan, ha! Gusto ko lang na suportahan ka sa gusto mong mangyari kaya idadagdag natin sa puhunan ang sweldo ko bukas," agap ko. Nagtigil naman siya sa kaniyang mga tingin pero hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang pag aalinlangan. Clarisa sighed before standing up and getting Stacy from the crib. "Okay. Pero pag nag karoon na ako ng unang customer, babayaran kita. Okay na ba 'yon sa 'yo, Ate?" "Walang interest." Paninigurado ko. Bumuntonghininga ulit siya. Tumango at pinatong ang anak sa lamesa para ayusan. "Sa Friday ang inuman niyo, 'di ba..." Nakasalubong ang dalawa kong kilay nang lingunin ko siya. "Oo, bakit?" "Puwede bang... Sumama?" Hindi ko mapigilang taasan siya ng kilay. "Isa lang, Ate. Promise!" "Gusto mo bang marinig na naman si Kuyang manermon? Kasi kung gusto mo naman, sige. Basta 'wag mong akong idadamay sa galit niya," sarcasm is evident in my tone. "Ate, kasi... Dito lang naman sa bahay, hindi ba? At saka, I'm nineteen!" Binigyan ko lang siya nang pamanuyang ngiti. "No." "Ate!" "Clarisa." May diin sa boses ko. "Siguro pag ikaw ay nasa bente na. Ang bata-bata mo pa para uminom," dagdag ko. "May anak na ako, Ate. Kaya siguro puwede na ring uminom? At saka, dito nga lang sa bahay, eh!" maktol niya. Inirapan ko siya at humiga na lang. "Kausapin mo si Papa o kaya si Mama pagkatapos dumeretso ka kay Kuya para mag sabi," sabi ko. Hindi ko na siya narinig pang mag salita dahil nahulog na ako sa mahimbing na tulog. Naalimpungatan na lang ako dahil may nararamdaman akong mainit at mabasa-basa sa aking braso. Pag dilat ko ng aking mata si Stacy agad ang nakita ko na nakahiga sa aking gilid, sinisipsip ang aking kanang braso. Hinawakan ko si Stacy at tinanggal ang kaniyang bibig sa aking braso. Pinunansan ko ito at umupo. Inilagay ko si Stacy sa aking kandungan at hinalikan sa kaniyang pisngi. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang mabangong leeg. Kakatapos lang siguro itong paliguan. "Good morning, baby," halata pa sa aking boses ang antok. Inabot ni Stacy ang aking buhok at nilaro. "Where's your Mom?" tanong ko, kahit hindi naman ito makakasagot sa akin. Karga karga ko siya nang lumabas sa kwarto at tinignan ang relo sa may salas. Alas cinco na ng umaga. Hindi ko nakita sila Clarisa sa may salas kaya dumiretso ako sa kusina. Andoon sila at nag uumagahan. Lumapit ako kay Clarisa at inilagay si Stacy sa kandungan nito. "'Wag kang mag reklamo anak mo 'yan." Nginusuan na lang ako ni Clarisa at patuloy na kumain. Nakikipag agawan pa nga sa kaniya sa Stacy kaya naman mas napanguso siya. "Good morning, 'nak," bati sa akin ni Mama. "Good morning, Ma. Umalis na po si Papa at si Kuya?" Umupo ako sa upuan ko sa hapag. "Oo kanina pa," si Mama. Pinag sandukan naman ako ni Mama ng kanin at binigyan ng hotdog at itlog. "Ma, sa Friday po bibisita ang mga kaibigan ni Ate, hindi po ba?" biglang tanong ni Clarisa sa gitna ng aming breakfast. Tumango si Mama, "Oo, bakit?" Ngumiti si Clarisa ng malaki. Binigyan niya si Mama ng nag mamakaawang tingin. "Ano ba 'yon, 'Nak? Bakit ka ganiyan makatingin? Pangit mo!" natatawang sabi ni Mama kay Clarisa bago sumubo ng pagkain. Hindi nakaligtas sa aking mata ang paglalaki ng kaniyang mata dahil sinabihan siya ni Mama ng pangit. Tumawa ako. "Mama! Grabe naman 'yong pangit! For your information, mag kamukha po tayo!" Natawa si Mama. "O siya, ano ba 'yon?" Tinignan muna ako ni Clarisa bago sagutin si Mama. "Baka po–" "Iinom daw siya, Mama," inunahan ko si Clarisa sa pag papaalam. Kita kong nalito si Mama sa kung ano ba ang ibig sabihin ko. "Gusto po ni Clarisa na sumama sa atin mag inuman sa Friday." Tumango tango naman si Mama nang masabi ko iyon. "Kay Papa mo ikaw mag paalam, anak," baling ni Mama kay Clarisa. "Baka naman po hindi ako payagan ni Papa. Mama, dito lang naman po sa bahay, eh. Baka puwede? Kahit na ako lang mag isa! Gusto ko lang po makatikim." Inabot ko ang tubig at ininom. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ni Clarisa na makisama sa inuman na magaganap dito sa bahay. Siguro nga pag nasa ganiyang edad ay nagiging curious sila sa mga bagay na nakikita nila sa ibang taong hindi pinag hihigpitan. "Ako, 'nak okay lang sa akin na uminom kayo, pero ewan ko lang sa Papa at Kuya niyo." "Si Ate nga po 'di ba, hinayaan ni Papa na uminom? Sa club pa po 'yon, ha. Kaya baka puwede ako uminom dito sa bahay," pilit pa rin ni Clarisa. "Si Ate mo naman kasi nag tra-trabaho at nag aaral, hindi na niya naiisip na mag liwaliw, maging ang pag bo-boyfriend nga ay hindi niya magawang pansinin," "Okay, fine. Kakausapin ko na lang po si Papa mamaya at mag papaalam." "Pati si Kuya, please lang. Ayaw ko nang makarinig ng sermon niya!" natawa kami sa aking sinabi. Alas sais nang mag simula kaming mag kaniya kaniya ng gawin ngayong araw. Mamayang uwian ko nga pala kukuhain ang pera sa store. Naisip ko na magandang ideya nga ang pag oonline selling ng mga skin care products dahil madami sa kabataan ngayon ay ang hilig sa pag gamit noon. Pag lumago ang pag oonline selling ni Clarisa ay mag kakaroon na siya ng pera na pupuwede niyang ipanggastos sa mga bagay na gusto niya at para na rin sa anak. Hindi na ako na-late sa klase ni sir Agoncillo kaya naman hindi ako napahiya. Mamaya rin ay kakausapin ko siya patungkol sa quiz na hindi ko na abutan noong nakaraang linggo. Habang nag hihintay sa pag dating ni sir Agoncillo, nakipag usap muna ako sa mga kaklase namin. "Maria, balita ko nag nightclub kayo no'ng Friday, ah?" nakangiting tanong sa akin ni France. Siguro ay nakita nila ang pinost na picture ni Jewel sa kaniyang i********: Story. "Ah. Oo, sinama ako ni Jewel." "Kasama niyo rin pala 'yong sikat na anak ng politiko?" "Uh... Yes. Si Katie." "Oh? Hindi ba't kaibigan niya sila Art?" Namamangha nila akong tinignan. Tumango ako sa kaniyang tanong. "Sino pa kasama niyo? Siguro sobrang saya nila kasama! Grabe mga sikat 'yon, eh. Mayayaman at magaganda ang lahi!" "Ah. Si Joshua, Megan, Alex at... si Aiden." Natutuwa ako sa kanilang mga itsura ng bangitin ko si Aiden. Nabibilang pala sila sa may gusto kay Aiden. Hindi na nakakapagtaka iyon pero sobrang nakakatawa lang ang kanilang itsura. "Pati si Aiden?!" Natatawa akong tumango sa kanila. "Kasama n'ya ba si Grace? Wala kasing post sa IG ni Grace na mag kasama sila pero nakita ko nasa club din siya noong Friday." I shivered at her question. Hindi ko man nakita si Grace dahil hindi ko naman ito kilala pero paano nga kung mag kasama sila bago siya inaya ni Joshua sa table namin. Umiling ako. "Hindi ko alam. Nakasama lang naman namin siya sa table dahil pinuntahan siya ni Joshua. Mga ala una na siya no'ng pumasok sa club, baka galing kay Grace?" "Kung gano'n man, edi hindi talaga sila nag hiwalay?" tanong ni France sa kaniyang kaibigan na kasama namin. Napakunot ang noo ko. Sino ang hiwalay? "Baka nga, France! s**t, sayang akala ko free na siya. Hindi ko alam kung anong nakita niya kay Grace bakit niya tinagalan 'yon kahit na sobrang attitude." Umirap sa kawalan ang kaibigan ni France. Si Aiden at Grace? Hiwalay? Pinagkibitbalikat ko na lamang iyon dahil mukhang hindi naman talaga sila hiwalay dahil sabo nga ni Aiden noon ay pupuntahan niya pa si Grace. Hindi na nadugtungan ang kanilang pag tatanong dahil naging busy na sila na pag usapan ang relasyon ni Aiden at Grace. Hindi naman nakakapagtakang may ganoong balita na kumalat dahil pareho nga silang sikat dito sa bansa. Ang mga tao nga naman, pinag uusapan ang buhay ng iba. Tahimik na lang akong nag hihintay sa pag dating ni sir Agoncillo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Jewel. Tumingin ako sa relo ko, mag aalas otso na. Maya maya lang ay dumating na si sir Agoncillo. Naging normal na araw lang rin naman iyon dahil nag discuss at nag karoon ulit kami ng recitation at short quiz. Si sir Agoncillo kasi ay nakahiligan nang mag pa-quiz pagkatapos ng kaniyang discussion. Bago matapos ang oras ni sir nag ayos na ako ng gamit para hindi ko na kailangang mag ayos at makausap ko na siya agad. Nang matapos ang oras ni sir, agad siyang lumabas ng room at mabilis naman ako sa kaniya lumapit. "Sir..." Tumigil siya sa pag lalakad at nilingon ako. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa taglay niyang kagwapuhan. Madaming nag kakagusto sa kaniya kahit na sobrang strict niya at snob. "Yes, Ms. Gomez?" Kinagat ko ang labi ko at pinisil ang kamay. "Sir, noong na-late po ako? Last Tuesday... Uh... Baka po puwedeng mag take ng quiz?" nahihiyang sabi ko. Napanguso si sir kaya naman bumaba ang tingin ko sa kaniyang magagandang namumulang mga labi. "Okay. Meet me at the faculty when you are free. Hanggang 2 lang ako." Mabilis akong tumango at nginitian siya. Tinanguan din ako ni sir at tinalikuran na para tumuloy sa kaniyang pupuntahan. "Sir!" Huli na nang matanto kong sumigaw ako nang lingunin niya ako ng nakataas ang isang kilay. Lumakad ako palapit sa kaniya. "S-sir, mamayang eleven po ang breaktime ko, free po ba kayo noon?" "Yes. Breaktime ko rin iyon. Pumunta kana lang mamaya sa faculty. You can eat there." Muli, tinalikuran na niya ako at nag lakad na palayo. Kagat kagat ko ang labi kong bumalik sa room para mag intay sa susunod na prof. Bago dumating ang susunod na prof, dumating si Jewel. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko. Halatang napuyat siya kagabi dahil malalim ang kaniyang mata. Halata ring pagod ang katawan niya. "Pagod lang ako," inaayos niya ang kaniyang buhok na nasa may mukha niya. "Halata nga, ano ba kasing ginawa mo kagabi?" nag uusisang tingin ko sa kaniya. "N-nag w*****d lang ako." Nilabas niya mula sa kaniyang pouch ang lipstick at salamin. Nag lagay siya nito. "Anong nangyari sa first sub?" "Gano'n parin, discussion, recitation, and quiz. Alam mo sa tingin ko dahil late ka kanina at hindi nakapag quiz, sumama ka sa akin mamaya kay sir Agoncillo para mag take ng quiz." "Anong oras?" "Mamayang breaktime. Doon na lang tayo kumain kasi sabi ni sir breaktime niya rin naman 'yon." "Sige." Dumating si ma'am at katulad lang ng nakasanayan sa kaniyang oras, nag bigay lang ito ng gagawin kahit hindi naman talaga niya ito itinuro. "Nakaka bwisit talaga 'to si ma'am! Akala niya ata alam na natin 'to kaya hindi nag tuturo," reklamo ni Jewel nang papunta na kami sa cafeteria para bumili ng pagkaing dadalhin sa faculty ni sir Agoncillo. "For her information, hindi tayo kasing level niya. Nag aaral pa lang tayo kaya dapat turuan niya tayo." Nangitngit na sa galit si Jewel. Nakarating na lang kami sa faculty, hindi parin siya tapos sa kaniyang sinasabi tungkol kay ma'am. Umupo kami sa dalawang upuan nasa harap ng table ni sir at nag hintay sa kaniyang pag dating. "'Di ba?! Pag ako naging teacher na, hindi ako magiging katulad ni ma'am. Magiging considerate ako sa nga estudyante ko dahil dapat ganon naman–" "Ms. Saigonza, I thought you are absent? And please, minimize your voice. You don't have to shout, and also, you are here in my faculty." baritonong bungad ni sir nakakapasok lang. Natutop ang bibig ni Jewel. Hindi na siya ngayon makagalaw sa hiya dahil narinig siya ni sir na nag wawala. Lumakad si sir papunta sa kaniyang table at umupo sa upuan. "S-sorry, sir." "Uh-huh. So, what are you doing here?" Pumalumbaba si sir sa kaniya table at tinignan si Jewel na ngayon ay parang kamatis na sa hiya "I'm here to take the quiz, sir," nakayukong sabi niya. Sumandal si sir sa kaniyang upuan. "Okay." May kinuha siya sa kaniyang table na papel at ibinigay ito sa amin ni Jewel. Kinuha namin iyon at tinignan. Kaya ko naman siguro itong sagutan. "You have one hour to answer that. You can also eat here. Please be quiet." Nag labas si sir ng baonan at kumain ng tahimik. Sinulatan ko muna ng pangalan ang papel bago inilabas ang pagkaing binili. Habang nag sasagot, kumakain rin ako. Nakakahiya nga dahil mag kakaharap kaming kumain. Tahimik lang kami ni Jewel habang kumakain at nag sasagot. Ang ingay lang ng aircon at pag tama ng mga spoon and fork lang ang natirinig na ingay. Ilang sandali lang ay umayos na si sir ng kaniyang upo dahil tapos na siya sa kaniyang pagkain. Maayos niyang nilinisan ang pinagkainan niya maging ang pinagkainan ni Jewel na ngayon ay tapos na sa pagkain ay kaniyang nilinisan. Hindi naman ito napansin ni Jewel dahil busy ito sa pagsasagot ng quiz. Hindi ko ipagkakailang mahirap talaga mag pa-quiz si sir, buti nga at hinayaan niya kaming mag sagot ng isang oras kahit na ang oras naman talaga ng kaniyang pag papa-quiz sa kalase ay nasa kalahating oras lang. Kung hindi mo man matapos ang pagsusulit ay wala kanang magagawa kundi maniwala sa mga naisagot mo. Hindi pa nag iisang oras nang matapos kaming mag sagot ng pagsusulit. Umalis na rin kami sa faculty. Ang sabi sa amin ni sir, siya na raw ang bahala sa pagche-check ng aming sagot kaya bumalik na kami sa susunod na klase. Gusto pa sana ni Jewel na tumambay sa field kaysa mag intay sa room. Pero hindi ko siya pinaunlakan dahil sobrang sumakit ang aking ulo sa pag sagot kanina. Pagdating sa room, may ibang bumati kay Jewel at nakipag usap tungkol sa susunod na event niya. Sinagot niya lahat ng mga katanungan sa kaniya at inayayahan niya na rin ang iba para manood ng fashion show na magaganap. Binaba ko ang iniinom na tubig sa desk nang makita ko ang isang kakilala na naglalakad sa hallway. Ramdam kong natigil ang ibang mga tao kasama na si Jewel na mukhang hindi na nagulat sa taong nag lalakad. Tumayo si Jewel at lumabas ng room. Iniwan niya ang mga kausap para lumapit sa kakilala. "Art! What are you doing here?" Lumingon sa kaniya si Art at bumalik sa puwesto ni Jewel. Nakangisi si Art sa kaniya. "I'm paying a visit." Umirap si Jewel at pabirong pinalo sa braso si Art. "Hanggang ngayon ba? Grabe!" hindi makapaniwala si Jewel sa nakatayong si Art. Tumango si Art. "Sige na nga, you go na, bye." Umalis na si Art kaya naman bumalik na si Jewel sa loob ng room. Pag pasok pa lang niya ay ibinato na siya agad ng mga tanong mula sa mga tsismosa naming mga ka-block. Hindi naman niya ito sinagot, kaya nginingitian na lang niya ang mga nag tatanong sa kaniya. "Bye, Maria!" "Bye!" Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Jewel bago ko nilakad ang distansiya ng store dito sa university. "Hello! Andiyan na ba si Manager?" tanong ko sa aking kasamahan. "Andiyan na siya, pasok kana lang diyan sa staff room," may ngiting sagot sa akin. Tumango at kumatok sa staff room. Nang marinig kong nag salita si Manager ay maingat kong pinihit ang seradura ng pinto. Ulo ko lang muna ang aking ipinasok para tignan kung busy ba si ma'am Jen. Nang makitang nag se-cellphone lang siya ay 'tsaka ako pumasok. "Ma'am," tawag pansin ko sa kaniya. Umangat ang tingin niya sa akin at itinuro ang kaharap na upuan. Umupo ako doon at inilagay ang isang braso sa table. "Saan gagamitin ito ng kapatid mo? Kung okay lang na malaman." I smiled. "Ah. Sa pagsisimula po sana ng online business," sabi ko. May nilabas siyang white envelope mula sa drawer ng lamesa at inabot sa akin. "Seven thousand and five hundred pesos," aniya. Hindi ko na binilang ang pera at nilagay na lang ito agad sa bag. "Salamat po, ma'am," sinserong sabi ko. "Okay lang 'yan, at saka ano nga pala ang ibebenta ni Clarisa?" I laughed. Naalala ko, mahilig nga din pala si ma'am Jen sa mga ganoong bagay. Baka magustuhan niya at sa amin na lang bumili. "Skin care products daw po at mga make-ups, baka naman, ma'am," mapagbiro kong sabi. "Imessage mo ako pag nag simula na siya, bibili ako." Tumango ako sa kaniya. "Aasahan ko po 'yan." Pagod akong nahiga sa kama. Tumagilid ako ng higa at binuksan ang f*******:. Madaming notifications ang bumungad sa akin. Binuksan ko ito at nakita kong dahil ito sa mga nag la-like at comments sa picture na pinost ni Jewel noong Sabado. Umalis ako sa f*******: at lumipat sa messenger. Nangunguna sa messages ang group chat ng mga bagong kakilala. Nag uusap lamang sila tungkol sa nangyari sa kanilang araw at maging sa mga ibang kasamahan sa pag momodelo. Natawa pa nga ako nang mag basa ng sinabi ni Megan. Megan: Gosh! Hindi niyo aakalain ang sasabihin ko!  Kilala niyo 'di ba si Sanaya?  You guys know what? Naamoy ko kanina hininga niya! TANGINA AKALA KO MAMAMATAY AKO Nang dahil sa sinabi ni Megan, si Sanaya ang naging topic sa group chat. Tumigil na lang ako sa pag babasa sa mga chat nila nang tawagin na kami para sa hapunan na hindi ko na napaunlakan dahil kinain na akong ng dilim at nakatulog. ——— Love, H
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD