Fight For Us
Kabanata 4
"Bro!" tawag pansin ni Art kila Aiden. Bumaling naman sila ng tingin sa gawi namin. Kumusa namang bumaba ang mata ko sa hawak-hawak na kape. Inangat ko ito at kunwaring uminom kahit na wala naman na itong laman.
"Eto nga pala si Jewel, Aiden. Kaibigan namin," pakilala ni Art kay Aiden. Tumango naman si Aiden at nag abot ng kamay kay Jewel. Hindi naman nag aksaya ng oras si Jewel at inabot agad ang kamay.
"Ah, yeah! I forgot na ipakilala sila Jewel." Tumatawang sabi ni Joshua.
Ibinaba ni Aiden ang hawak na baso para makipag kamay kay Megan at Katie. Hindi naman pala ito mahirap pakisamahan. Sadyang tahimik at mukhang isnobero lang.
Napabaling ang ulo ko kay Art nang ipinakilala niya rin ako kay Aiden.
"And... This is Maria. Jewel's friend. We just met tonight yet she's nice, bro."
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa kung paano ako pinakilala ni Art sa kaibigan. Nahihiyang bumaling ako kay Aiden. Hindi nga lang katulad kila Jewel hindi kasi ito nag abot ng kamay sa akin. Hindi nga rin ito ngumiti sa akin nang mag tama ang mata namin.
"H-hi," bati ko.
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa kahihiyan. Ang mga kasama naman namin ay nag taka dahil hindi man lang ako pinansin ni Aiden. Tumahimik ang table namin dahil doon. Awkward na tumawa si Katie at dinaldal na lang si Aiden.
"Sayaw tayo?" tanong ko kay Jewel. Hindi ko kasi kinakaya ang presence ni Aiden. Kailangan ko atang lumayo muna para naman makahinga hinga ako. Nilingon ako ni Jewel mula sa pakiki pag usap niya kila Art.
"Ha? Mamaya na lang!" sabi niya sa akin at naki pag usap na lang ulit. Lasing na rin sila kaya naman mas umingay sila ngayon.
Nag lagay ako ng alak sa baso ko. Tinunga ko 'yon agad para mag karoon ako ng lakas para sumayaw mag isa dahil ayaw naman akong samahan ni Jewel. Busy pa kasi siya sa pakiki pag usap. Tatlong baso rin ang nainom ko.
"Maria! That's f*****g vodka!" saway ni Jewel nang malapag ko na ang baso.
Nakatingin na pala silang lahat sa akin dahil sa biglaang pag inom ko ng alak. "I want to dance," sabi ko bago tumayo at nag lakad papunta sa gitna. Kahit na nahihilo ako hindi ko na lang pinansin 'yon dahil kailangan kong makalayo sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam noong nakita ko si Aiden.
Hinuli ako ni Art bago pa makalayo. "Jewel, I think we need to bring her home." Nakita kong tumango si Jewel at inalalayan akong makabalik sa table. Nahagip ng paningin ko si Aiden na nakakunot ang noo. Matatalim ang mga tingin niya nang pinatili ko ang mata sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan sa akin. Hindi ko naman siya inaano, ha?
"Kaya mo pa ba, Maria?"
Tumango ako kay Jewel at umupo ng maayos. Aabutin ko pa sana 'yong isang bote ng vodka sa table namin pero may umagaw na no'n. Tinignan ko ang kumuha ng alak. Iinom pa ako, eh!
"Ano ba! Akin na 'yan. Iinom pa ako. Give me that!" Pilit kong inaagaw sa kung sino man ang walang hiyang umagaw sa akin ng vodka. Hinawakan niya ako sa braso nang muntik na akong masubsob sa crotch area niya. "Bring her home," napa upo ako ng maayos dahil sa boses na narinig ko. Uminit ang mukha ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Matigas at malilim ang boses niya. Hindi naman ganoon ang boses ni Joshua, Alex at Art kaya malamang kay Aiden ang boses na iyon.
"N-no! I can still drink and dance!" singhal ko sa kaniya. Ngumisi naman ito sa akin.
"Tama na, Maria. Lasing kana, uwi na tayo." Tinayo ako ni Jewel. Kinuha naman ako ni Art sa kaniya para alalayan palabas ng club. Nakasunod naman sila amin.
"Kami na bahala dito, dude," sabi ni Alex kay Aiden dahil naka sunod rin ito papuntang exit.
Umiling lang siya. "Uuwi na rin ako."
Malapit na kami sa sasakyan ni Jewel nang mawalan na ako ng malay dahil sa kalasingan.
Nagising na lang ako kinabukasan ng may mabigat at masakit na ulo. Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh. Eto na ang aftermath ng pag inom. Sapo-sapo ko ang ulo ko nang umupo ako sa kama ni Jewel. Nilingon ko si Jewel na tulog na tulog pa sa tabi ko. Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng ulo ko.
Pumunta ako sa cr ng kwarto ni Jewel at nag ayos ng sarili. Kitang-kita ko ang magulong buhok at malaking eyebags sa ilalim ng dalawa kong mata. Lumabas ako ng cr para sana gisingin si Jewel pero nagulat ako nang may kumatok sa pintuan. Ang alam ko ay nag iisa lang si Jewel dito sa condo niya pero bakit kumakatok. Kinabahan ako ng husto at dahang dahan hinablot ang foldable na payong ni Jewel sa may gilid ng pinto.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at inamba ang payong. Pag bukas ko ng pinto mabilis kong inamba sa mukha ang lalaking nakatayo sa harap ko pero bago ko pa siya matamaan sa mukha mabilis siyang naka ilag. Nanlalaking matang tinignan siya.
"What the hell?!"
"s**t! Sorry!"
Itinabi ko ang payong sa lalagyanan niya bago sinundan ang lalaking nag lakad palayo sa pinto ng kwarto.
"S-sorry talaga! I didn't know!"
Nakasunod parin ako sa kaniya. Pumunta siya sa may hamba ng kusina kung saan kumakain ang iba pa naming kasama kagabi. Hindi niya ako pinansin at umupo na lang sa may tabi ni Alex. Nag tataka naman akong tinignan ni Megan at Katie.
"What happened?" nag aalalang tanong ni Katie.
Ngumuso ako at umiwas ng tingin sa kanila.
"Bakit ka nag so-sorry kay Aiden?" tanong naman ni Megan. Tinignan ko si Aiden na kumuha ng peach mango pie sa plastic ng Jollibee at kumain ng tahimik. Tinignan ko naman sila Joshua na parang walang narinig dahil sarap na sarap sila sa kinakain.
"W-wala... Muntik ko lang kasing mapalo s-si Aiden sa mukha ng p-payong..."
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, nahihiya ako sa kaniya maging sa mga kasama namin.
Nakatayo lang ako sa harapan nila habang sila naman ay kumakain.
"Come here! Kumain kana. Nag pa-deliver na lang kami kasi sobrang grabe rin 'yong hangover namin," sabi ni Megan.
Umupo ako sa may tabi ni Aiden. Doon na lang kasi ang may puwesto pa. "Sorry talaga..."
He just tsked.
"Bakit nga pala kayo andito?" maingat na tanong ko. Ayaw ko naman na ma-offend sila dahil sa tanong ko.
Umangat ang tingin ni Alex sa akin at ngumiti. "Sabi mo kagabi dito na lang kami matulog."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaakalang sinabi ko 'yon knowing na hindi ko pa naman sila lubusang kilala.
"T-talaga? May... Iba pa ba akong na sabi? Or nagawa?"
Tumawa naman sila maliban kay Art na may ngisi sa labi at Aiden na umiling.
So... Meron nga? s**t, nakakahiya naman ako malasing! Gusto ko paluin ang ulo ko sa katangahan ko. Hindi na talaga ko iinom! First and last na 'yong kagabi.
Kumain na lang ako nang tahimik. Sila naman ay nag ku-kuwentuhan. Natigil lang iyon nang lumabas na si Jewel sa silid niya. Naka ayos na ito.
"Is that Jollibee?" tanong niya habang nakaturo sa plastik ng Jollibee.
"Good morning, Jewel!" bati ni Katie at Megan. Tinanguan naman siya nila Joshua at Alex. Si Art naman ay tumayo para roon paupuin si Jewel. Masiyadong tutok si Aiden sa pag kain ng Mango pie ng Jollibee, nakakailang Mango pie na rin siya. Hindi na nga ako nakakuha dahil kinain niya na ang dapat na sa akin.
Kumuha si Jewel ng pag kain sa plastik. "Maria, ano? Okay ka lang?"
Umirap naman ako sa kaniya. "Ayoko nang uminom, ha! Hindi na ako uulit."
Tumawa siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Grabe ka pala malasing!"
Kunot ang noo ko.
"Ano bang nangyari? Anong ginawa or sinabi ko kagabi? Wala akong maalala!" Sumubo ako ng kanin.
Umiling si Katie at sinabi, "Huwag mo nang alamin."
Mas umingay sila dahil sabay-sabay kung tumawa.