Chapter 27 *Abby* Matapos mag-usap ni Jason at nang pulis ay si Nanay naman ang kinausap niya. Hindi ko naririnig dahil silang dalawa lang. Hindi ako pinalapit ni Jason dahil gusto niyang sila lang ni Nanay ang mag-usap. Si Boyet ay pinauwi ko muna pagkatapos no’n. Sinabi ko ring mag-iingat siya. Napalingon ako nang tawagin ako ni Nanay. “Abby, halika dito anak,” tawag niya sa’kin kaya agad akong lumapit. “Ayos lang ba sa’yo na kay pogi ka muna? Delikado pala talaga ‘yang si Mark. Dati pa lang ay hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa batang ‘yon. Kung ako ang tatanungin ay mapapanatag ako kung kay pogi ka muna titira. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa Tatay mo. Nasabi na rin sa akin ni Jason na mas mapoprotektahan ka niya doon,” mahabang wika ni Nanay. Hindi agad ako na

