Wala akong nagawa kung hindi sumama sa kay Aevo papuntang hospital. Ayaw na niya akong patakasin. Kahit pa tinatakot ko siya ay wala siyang pakielam. "What did you do to my bodyguards?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa rin matanggap na hinayaan ko siyang i-trick ako. "Nothing" pasipol-sipol lang siya habang nagmamaneho. Alam kong may ginawa siya. Hindi siya hahayaan ni Hugo at Jose basta basta ano. Sa akin lang nasunod ang dalawang 'yon. "Sa susunod na gawin mo ito, mas lalong hindi kita patatawarin" banta ko pa. "Edi huwag" pagmamatigas pa niya. Hindi na siya katulad kanina na nagmamakaawa. Nakikita kong mas determinado siya ngayon. "I will still process the annulment paper—" "Don't bother. It will just cost a lots of money. Tayo rin naman sa huli ang bagsak. I'll just p

