Kirsten “Bakit nandito ka na naman?” Sumimangot ako kay Kuya Dark na nilalaro-laro ang bola niya. Humalukipkip ako. “Hayaan n’yo po, sa susunod ay magpapagawa ako ng sarili kong playground at park para hindi na ako palaging pumupunta rito,” walang gana kong tugon at sinubukang akyatin ang swing. Ngunit masiyado iyong mataas para sa height ko. Naiinis na tiningnan ko iyon. Nasaan na ba si Kuya Dante? Siya ang bumubuhat sa akin para makaakyat ako rito, e. Naramdaman ko ang paglapit sa likod ko ni Kuya Dark. Ibinagsak nito ang bola sa lupa nang malakas kaya napaigtad ako. Nilingon ko ito at sinimangutan. Walang salita na namutawi sa mga labi ko pero ipinakita kong naiinis ako sa kaniya. Palagi niya na lang akong inaaway! Ilang araw na simula nang mamatay ang parents ko kaya rit

