Kirsten Nakagat ko ang ibabang labi. Sasabihin ko ito kay Dark bukas, na nagustuhan ng ina niya ang luto ko. Sa ideyang iyon ay kinilig ako lalo. Pero hindi pa ako nakapagsalita nang tumunog bigla ang doorbell. Awtomatikong napatigil ako at napaisip kung sino ba ang maaring bisita ko ngayon—nang ganito kaaga? Natigilan ako at napakunot ng noo. Umalis ako sa upuan at marahang hinawi ang kurtina ng kuwarto upang silipin ang labas. Napansin ko na kinakausap na ng mga guard ko ang kung sino mang bisita na iyon. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago balingan ang ina ni Dark. “Sandali lang po, Tita,” imporma ko rito. Tumakbo ako papunta sa main door upang maki-usyoso. “Sir, napaaga ho ata kayo, a?” tinig ng aking guard sa taong nasa tapat ng gate namin. Sir? Si Dark

