Chapter 16

1853 Words
"Manang Fe, bakit po parang ang dami n'yong lulutuin ngayon? May bisita po bang darating si Maam Antonia?" Tanong ni Gia habang naggagayat ng mga gulay. Si Anna naman ay nag-iisa isa pang ilabas sa ecobag ang ibang mga sangkap na pinamili niya. Siya lang kasi ang available kanina para mamili. Hindi naman pwede si Gia, at naghatid ito kay Gael sa school. "Darating daw si Sir Rodrigo ngayong araw, kaya nagpapahanda si Maam Antonia ng mga paborito ni Sir." Natutuwang wika ni Manang Fe sa kanila. "Wag kayong mag-alala. Mabait din si Sir Rodrigo. Para ding si Maam Antonia." Dagdag pa na sinabi ni Manang Fe. "Ganoon po ba? Tutulong na lang din po ako sa pagluluto Manang, total naman po nakapaglinis na po ako kanina bago ako nagtungo sa palengke." Wika ni Anna na ikinatuwa naman ni Manang Fe. "Sige Anna ikaw ang bahala. Mamaya ay paalis na rin muli si Gia para kaunin si Gael." Wika pa ni Manang Fe, na ikinatingin nila kay Gia, sa busy sa pagbabalat ng patatas. Masaya silang nagkukwentuhan sa kusina ng pumasok si Lucas. May dala itong cake, na sure na galing sa isang sikat na cake shop. "May bisita ba si mommy Manang? Ang dami n'yo yatang lulutuin ngayon?" Tanong ni Lucas ng biglang iabot kay Anna ang box ng cake na dala nito. "For you." Mahinang sambit nito kay Anna, na ikinagulat naman ng dalaga. "Para sa akin to?" Mahinang tanong ni Anna na narinig naman ni Gia, na ikinatawa nito ng mahina, ganoon din si Manang Fe. "Yes." Tugon ni Lucas ng muling tumingin kay Manang Fe at naghihintay sa sagot nito. "Ah, wala Sir. Pero uuwi daw po ang daddy n'yo, kaya po nagpapaluto ng madami ang mommy n'yo." Sagot ni Manang Fe, na ikinabuntong hininga ni Lucas. "Tuloy pala si daddy. Akala ko next month pa." Wika ni Lucas ng biglang pumasok sa kusina si Maam Antonia. "Biglaan anak eh. May ipapakilala sayo ang daddy mo. Sure na magugustuhan mo s'ya. Total wala ka namang girlfriend. Why not subukan mong kilalanin ang anak ng business partner ng daddy mo." Wika ng Ginang na ikinasalubong ng kilay ni Lucas. "No! Mom. Hindi ko pa s'ya nakikita o nakikilala ayaw ko na sa kanya." Mariing pagtanggi ni Lucas. "Wala ka namang girlfriend, pero kilala mo ang dalagang iyon. Siya ang batang palagi mong kasama noon sa US. Bakit hindi mo subukan. Matagal ka ng gusto ni Lyka." Wika pa ng Ginang. Nakikinig lang naman sina Anna, Gia at Manang Fe sa pinag-uusapan ng mag-ina. "Mom ayaw ko. Wala akong girlfriend pero may nagugustuhan na ako." Sambit ni Lucas na ikinabaling ng tingin kay Anna. Napasinghap naman si Anna ng magtagpo ang paningin nila ni Lucas. Bigla namang bumilis ang t***k ng kanyang puso, lalo na ng marinig niya ang sinabi ni Lucas. Mula ng nanggaling sila sa mall ay hindi malaman ni Anna kung bakit, hindi na nagagalit o naiinis sa kanya si Lucas. Maliban na lang noong isang beses na dumalaw si Sir Andrew at dinalhan siya nito ng flowers at chocolate. Nahihiya man ay tinanggap niya ang dala nito. Pero ng makita ni Lucas, ang ibinigay nito. Ay parang bata na sapilitang kinuha ang mga iyon sa kanya at ibinigay kay Liza ang bulalak habang ibinigay naman nito kay Gael ang chocolate. Wala naman silang nagawa ni Sir Andrew, dahil tiningnan ni Sir Lucas ng masama ang kaibigan. Pero kahit ganoon ay hindi naman nagalit si Sir Andrew sa ikinilos ni Sir Lucas, bagkos ay natatawa pa ito. Narinig pa niya ang sinabi ni Sir Andrew. 'Lagyan mo na kasi ng level bago mo bakudan. Hindi ko naman kasi gagawin ito kung nalaman ko na kaagad ng mas maaga. Sorry bro, pero, I'm happy for you. Kung hindi ko pa ito ginawa, hindi lalabas ang totoo. Tss. Good luck.' Sambit ni Sir Andrew bago tuluyang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse niya. Wala namang sinasabi sa kanya si Sir Lucas, pero halos araw-araw siya nitong inaabutan ng isang tangkay ng bulaklak at chocolate, kaya makakaipon na siya ng pampasalubong sa mga kapatid niya, pag-uwi niya. Hindi na sila nag-aaway at nagiging malambing ito pag kinakausap siya. Alam naman niya ang ibig sabihin ng mga paramdam ni Sir Lucas pero hindi pa rin siya nagcoconclude ng kung ano-ano hanggat wala itong malinaw na sinasabi. Hinahayaan na lang niya ang lalaki sa ginagawa nito. Mahalaga masaya siyang naging mabait ito sa kanya. Hindi lang basta mabait malambing pa. Tulad na lang ngayon, na binigyan naman siya ni Lucas ng isang box ng cake. Masaya niya itong tinanggap. Pero sa narinig niya sa sinabi ni Maam Antonia, parang biglang may kung anong tumusok sa puso niya. Sabagay wala namang sila ni Sir Lucas, pero nahuhulog na kahit papano ang loob niya sa ipinapakita at ipinaparamdam nito. Alam pa rin naman niya ang priority niya ang pamilya niya. Kaya habang walang sinasabi si Lucas. Hindi siya magsasalita, hahayaan na lang niya ang pagkakataon. Pero mas okey na rin na wala itong nasabi. Mas mahirap umasa. Lalo na ngayon na may gusto pala ang daddy nito para kay Sir Lucas. Na sure niyang ka tulad ng katayuan nito sa buhay. Mayaman at masasabing kilala sa lipunan na katulad din ni Sir Lucas. Halos mag aalas syete na ng gabi ng may dumating na sasakyan. Bumaba sa passenger sit ang isang may edad na lalaki na kamukhang kamukha ni Sir Lucas. Nakatingin lang siya sa lalaking bagong baba. Kasunod naman nito ang isang matangkad na babae. Na sa tingin niya ay hanggang sa may ibaba lang ng tenga nito siya. Medyo malayo siya sa pwesto nina Manang Fe, Gia at Liza. Si Maam Antonia naman ay lumapit kaagad sa bagong baba sa sasakyan na asawa. Masasabi niyang namiss nila ang isa't isa. Patunay na kahit papano, meron talagang tunay at wagas na pagmamahal. Napatingin muli siya sa babae at masasabi niyang maganda ang babae at mukhang sopistikada. Maganda din naman siya sabi ng kanyang inay. Pero marunong din naman siyang tumingin ng maganda, isa na ang babaeng kabababa lang ng back sit ng kotse na bagong dating. Napansin niya ang paglinga ng babae na sa tingin nga niya ay may hinahanap. Bigla namang may lumapit sa tabi niya at hinawakan siya sa beywang. Naramdaman pa niya ang mumunting hininga ni Lucas, ng magsalita ito malapit sa may tenga n'ya. "Wala akong alam dito baby." Wika sa kanya ni Lucas. "Huh?" Naguguluhang tanong ni Anna. "Wala akong alam sa plano ni daddy. Trust me. Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin. Sayo lang ako. Pangako." Dagdag pang wika ni Lucas na ikinabaling naman ni Anna paharap dito ng biglang magtama ang kalahating labi niya at labi ni Lucas, na ikinasinghap niya, na ikinangisi ni Lucas. "Bakit hindi mo sinabing gusto mo akong halikan, sana ay mas inilapit ko pa sayo ang mga labi ko." Nakangising wika ni Lucas, na bigla namang lalayo sana siya, pero mas lalong hinigpitan ni Lucas ang pagkakahawak sa bewang niya. "Ano bang mga pinagsasasabi mo Sir? Hindi ko magets?" Naguguluhang tanong ni Anna kay Lucas. "Basta, trust me. Okey. Ikaw lang ang babaeng machine gun na nanggulo sa pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag at wala din akong maintindihan. Masasabi ko din sayo ang lahat lahat pag malinaw na sa akin kung ano ito. But for now magtiwala ka lang sa akin. Hmmmm. Hindi si Lyka ka babaeng gusto ko, iyon lang ang malinaw." Wika ni Lucas na ang naintindihan lang niya ay ang pagtawag nito sa kanya ng babaeng machine gun. "Sir nang-iinsulto ka ba?" Inis na wika ni Anna na ikinatawa naman ni Lucas. "Hindi baby." Sagot ni Lucas na, ikinatawa pa nito. "Anong baby na naman iyan pinagsasa--." Hindi natuloy ni Anna ang sasabihin, ng hindi nila inaasahan ang paglapit ng babaeng bumaba sa back sit ng kotse. Bigla nitong niyakap si Lucas at bigla na lang din nitong hinalikan ito sa labi. Nabitawan naman siya ni Lucas, dahil sa pagkabigla sa ginawa ng babaeng nagngangalang Lyka. Nabigla din siya sa pangyayari. Para siyang natuod sa nakitang walang pag-aalinlangang paghalik ng babae sa labi, ng nawalang kibo na si Lucas. Nilapitan naman siya ni Liza at Gia. Natauhan lang siya ng may pumisil sa kamay niya. "Tara na sa loob." Wika ni Liza at hinila na siya nito. Habang tulak-tulak siya ni Gia. Habang akay-akay ang anak na si Gael. Ilang sandali pa ay narinig na rin nilang ang pag-uusap halatang pumasok na rin sa loob ng bahay ang mga bagong dating. Narinig nila ang pagpipilit ni Lyka na matulog katabi ni Lucas, katulad daw noong mga bata pa lang sila. Inis na inis naman si Lucas sa pinagsasasabi ng babaeng parang tuko kung makakapit sa kanya. Nasa hapag na sila, handa na rin lahat ang mga pagkain ng magsalita si Sir Rodrigo. "Son, alam kong wala ka namang ipinapakilalang girlfriend sa amin ng mommy mo. Tumatanda na rin kami, kahit hindi halata." Wika ni Sir Rodrigo na ikinahagikhik naman ng Ginang ang sinabi nito. "Nais namin ng mommy mo na magkaroon ka na ng sariling pamilya. Hindi ka na rin sa pabata Lucas Dimitri. You already thirty three. Alam naming mapapabuti ka kung si Lyka ang pakakasalan mo. Napagkasunduan na rin naman namin ito ng mga magulang ni Lyka. Magaganap ang kasal sa lalong madaling panahon." Wika ni Sir Rodrigo na kita nila ang pagkakaroon ng tensyon habang nasa harap ang mga ito ng pagkain. Hindi sila sumabay ngayon sa pagkain kahit ang nais ng Ginang ay sabay-sabay sana sila. Nakatayo lang sila, sa gilid para kung may ipag-uutos ang mga ito. Si Gia naman ay wala doon dahil maagang napakain nito si Gael at pinapatulog na ito ngayon ni Gia sa kwarto. Siya si Liza at si Manang Fe lamang ang nakakarinig ng usapan ng buong pamilya. "No! Dad. Ako ang magdedesisyon sa bagay na iyan. Dad naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Kasal iyon. Kasal." Galit na wika ni Lucas, na ikinabaling nito ng tingin kay Anna. Ang inis na nakita ni Anna sa mga mata ni Lucas ay biglang napalitan ng pag-aalala ng magtama ang kanilang mga mata. "Walang masama Dimitri sa desisyon ko. Wala ka namang kasintahan. Puro ka lang trabaho. Alam kong magiging masaya ka sa piling ni Lyka. Hindi ka naman namin ipipilit sa isang bagay na hindi namin napag-isipan at masasaktan ka lang. Buo na ang desisyon ko walang makakapagpabago noon." Wika ni Ginoong Rodrigo, habang ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatutok dito Kitang-kita niya ang pagkuyon ng kamao ni Sir Lucas, halatang ayaw sa desisyon ng ama. Si Ginang Antonia naman ay walang imik lang sa tabi ng asawa habang nakatitig dito. Habang ang babaeng nagngangalang Lyka ay nakangiti na wari mo ay sobrang saya sa sinabi ng Ginoo. Wala din itong pakialam sa tensyong namumuo sa hapag. Parang ang mahalaga lang dito ay masaya ito sa nangyayari. Hindi naman maintindihan ni Anna ang sarili. Walang sila ni Lucas. Pero dahil sa mga narinig, bakit? Parang gumuho ang mundo niya sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD