Halos alas sais y media na ng gabi, ng papasukin ni Dimitri si Lucas, habang buhat-buhat si Lucci. Si Diesel naman ay ipinasok ang kotseng dala nila sa garahe ng bahay ni Dimitri. Hindi na naman ni Dimitri hinayaang umalis pa ang dalawa lalo na at madilim na rin sa daan. Malayo pa ang bahay niya sa pinakabungad ng lugar na iyon. Malawak ang garahe at kasya ang apat na sasakyan. Kaya naman kasya ang kotse ni Diesel, dahil dalawang kotse lang ang nakaparada doon. Napatawa pa si Diesel dahil dalawang sports car ang nakaparada dito. Baka naman kaya hindi nila naabutan sa parking lot ng mall sina Anna noon dahil mabilis magpatakbo ng kotse si Dimitri. Napansin din niyang kakaiba ang trip ng lalaking kumupkop kay Anna. Mukha itong mayaman at hindi basta-basta. Nakakatuwa lang ay ang napakagan

