Chapter 1

1765 Words
Chapter 1 CHLOE'S POV ​"So ngayon nakilala mo na ako, Bunny?" namilog ang aking mata sa pag kagulat na makilala ang boses ng guwapong lalaki sa harapan ko. Malawak ang ngiti sa labi nito at kusa na akong nanlambot na mapa-salampak sa malamig na sahig na hindi pinu-putol ang titig sakanya. Namutla ang labi ko at pinag-pawisan ng malamig, na para bang naka-kita ng multo sa aking nakikita, Imposible! Siya ang naka-talik ko no'ng gabing iyon? Hindi pwede. Hindi siya iyon. Kahit itanggi ko man sa aking sarili na hindi siya iyon ngunit klarong-klaro sa akin ang kanyang boses. Yumuko ito at nilapit pa ang mukha sa akin para mag kapantay kami ng titig na dalawa. Nanikip ang dibdib ko sa simpleng pag-lapit nito na ilang inches na lang ang lapit ng mukha namin. Kahit may distansya man ang katawan namin sa isa't-isa damang-dama ko pa din ang kakaibang bultahe na nanalaytay sa katawan ko sa simpleng pag-lapit nito. "Ngayon nakilala mo na ako?" Pag tutuksong nilapit pa nito ang sarili. Amo'y na amo'y ko ang mamahalin nitong pabango na mag patuyo ng aking lalamunan. Bago pa tuluyan ma hypnotismo ako sa mata nito; umiwas na ako ng tingin. ​"H-Hindi kita kilala. B-Baka nag kakamali ka lang ng akala," tumayo na ako sa kina-uupuan at inayos ko na rin ang bitbit kong mga libro na tumilapon. Hindi ko na hinintay pa itong mag-salita at kumaripas na ako ng takbo palayo sakanya. Sobrang lakas nang pintig ng aking puso at kahit naka-talikod man ako ramdam ko pa rin ang pag sunod nitong pag tingin sa akin. Hini-hinggal ako na maka-rating sa comfort room at sinarhan ko na kaagad ang pintuan, mabuti na lang at walang ibang tao bukod tangi lang sa akin. Nanghihina akong napa-hawak sa sink at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Kahit naka-layo na ako, sobrang lakas pa rin ng pintig ng aking puso. "N-No,no. This is not happening," paulit-ulit kong bigkas sa sarili ko. "H-Hindi ako pwedeng mag kamali, siya iyon. S-Siya ang lalaking iyon," maluha-luha na ang mata ko na hindi alam ang gagawin. "A-Anong ginagawa niya dito? N-Nakilala niya ako." Kulang na lang dumugo na angibabang labi ni Chloe sa higpit na pag kakakagat doon. Nanatili pa si Chloe ng ilang minuto sa restroom bago bumalik sa room na susunod niyang subject. Palingon-lingon pa si Chloe sa bawat kasulok-sulokang campus, daig niya pa ang mag-nanakaw na pasilip-silip na may tinataguan. Natatakot siya na baka maka-salubong niya na naman muli ang lalaki kanina. Aatakehin ata ako sa puso nito kapag nag kaharap kaming dalawa muli. Matagumpay akong naka-rating sa room sa susunod naming subject. Sakto naman na pag dating ko doon, wala pa naman ang Professor namin kaya't naka-hingga ako ng maluwag. Maliit ang tyansa na mapapagalitan ako na ngayo'y nalate sa subject nito. Luminga-linga pa ako na pumuslit papasok sa klase at hinahanap ko ang pinsan ko. Mabilis ko naman kaagad nakita si Nadya na kumaway ito at naka-ngiti sa parteng likuran. May tinuturo pa si Nadya sa akin na nereserba nitong upuan para sa akin. Yumuko na lang si Chloe na nilalampasan ang iba ko pang mga kaklase sa ibang department para puntahan ang piniling pwesto ni Nadya. Yakap-yakap ko na ang mga libro at ilang gamit kong bitbit at naka-busanggot na dahil pinili ba naman na pwesto, sa likuran. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ni Chloe na maupo sa likurang bahagi dahil maiinggay doon at pinipili ng ibang mga studyante na pumwesto sa tagong bahagi para makipag-chismisan sa kanilang mga kaibigan. Gusto niya sanang maupo sa unahan para makapag- focus talaga siya sa mga discussion ng kanilang Proffesor at ayaw niya ng distruction. ​"Late ba si Mrs Cheska?" Iyon kaagad ang tinanong ko kay Nadya na maupo sa tabi niya. ​"Gaga, late ka lang." Sanay na si Chloe sa pag babara at pag tataray ng pinsan. Ganun talaga ang ugali nito minsan prangka at sanay na siya sa mga pabiro nito. "Kanina pa kaya dumating si Mrs, Cheska kaso bago matawag ang pangalan mo. Pumunta dito ang isa sa mga head at pina-punta siya sa Office. Mukhang importante." Kina-tango ko naman ang sinabi nito at inayos ko na ang mga gamit ko sa desk. Ilang minuto na pag hihintay. Ang mga kaklase kong maiinggay biglang tumahimik nang pumasok si Mrs. Cheska. “Listen everyone, I will introduce to you a new transferee who will join my class this third quarter of the 1st semester. He is from the states and you welcome him now, in my class. Pwede kanang pumasok." Anunsiyo ni Mrs. Cheska at lahat naman ng mga kaklase ko naka-abang kong sino man iyon; bukod tangi lang kay Chloe na hindi interesado sa mga nangyayari. Sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa na pumasok. "Hi!" Ang malamig na boses nito ang nag panigas ng buong katawan ko na marinig iyon. "I'm Taurus Ridge Dawson," Binitawan ni Chloe ang binabasa ngayon na libro at wala sa sariling napa-baling sa unahan. Nag danak ang malamig na pawis sa aking buong pag katao at hindi makapaniwala sa aking nakikita na makilala kong sino iyon. Kundi ang lalaking naka-bunggo ko kanina. Ang lalaking naka-siping ko dalawang araw na ang nakaka-lipas. Anong? Anong ginagawa niya dito? Anong nangyayari. Maraming mga katanungan sa isipan ko ng sandaling ito at hindi ko alam kong ano ang nangyayari. Naka suot din ito ng black pants and white uniform kagaya nang mga studyante dito sa University. Maganda ang kanyang tindig at base pa lang sa kilos at galaw, galing ito sa mayaman na angkan. Makinis at mamula-mula ang kanyang kutis. Matangos ang Ilong, makapal na kilay at literal talagang guwapo na katitilian ng lahat. He looks like someone who is a manga character Iyong mga maanggas na lalaki at malakas ang s*x appeal. Ang iba ko naman na mga kaklase na mga babae; hindi maitago ang kilig na makakasama namin sa klase ang mala-anghel na taglay na lalaking ito. I am a woman and I also know the types of men that women like. ​"I want you to be nice and kind to him. He is the eldest son of Sebastian Dawson the founder and owner of this University." Lumakas pa lalo ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko at kahit na rin sila hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Isa sa anak ni Mr. Dawson ang makakasama namin. ​"I'll find you an empty seat for you Mr. Dawson. let see," Mrs. Cheska just to find an empty seat in the whole class. "Ahh, you can sit in the empty seat next to Ms. Chloe Valdez," all my classmates turned to look at me and they all had envy in their eyes that next to me in the seat was the very handsome man s***h, son of the owner of this University. Nag katitigan kami sa mata ni Taurus at iyon na ata ang pinaka-mahabang sandali sa buhay ko na mag tama ang aming mga mata. Shit! Paktay na! ​"Pwede kanang maupo sa tabi ni Ms. Chloe Valdez," pasunod ni Mrs. Cheska kay Taurus. Hindi na ata humihingga si Chloe, na sandaling nag lakad na si Taurus papunta sa kinaroroonan ko. Napaka-bilis na rin ang pintig ng aking puso at anumang segundo hihimatayin ako. Pinaparusahan ba ako ng diyos? Of all people bakit sya pa? Bakit siya pa? Bakit katabi ko pa? Matagumpay na naupo si Taurus sa tabi ko at hindi ko magawang lingunin o kaya naman igalaw ang aking katawan. Literal na na stiff neck na ako sa paninigas ng katawan ko. Sobra pa din akong kinakabahan at namumutla sa kirami-raming nangyari. Nag simula na si Mrs. Cheska na mag discuss. Pasulyap-sulyap si Nadya sa akin at nanadya na nilapit ang mukha para may ibulong . "Bakit namumutla kana, Chloe. Crush mo siya, ano?" Pag tutukso pa ng pinsan. Yawa! Tumigil kana. ​"Crush mo si Tauru—-" bago pa matapos ni Nadya ang sasabihin at sinipa ni Chloe ang paa ni Nadya na mapa-bungisngis pa ang pinsan na nilayo ang sarili sa akin. Yawa! Nakaka-hiya! Sa lakas ba naman ng boses nito, imposible na marinig iyon ni Tauruz. Gusto ko na siyang sakalin. Inirapan na lang ni Chloe ang pinsan at nag pa cute pa ito kay Tauruz bago tinuon ang atensyon sa klase. Hindi ko alam kong paano ko na survive ang 3 hours na subject ni Mrs. Cheska na hindi nililingon si Tauruz. Panaka-naka ko itong nahuling tumitig sa akin; at gusto ko na lang mag palamon sa lupa. Pinag papawisan na ako ng malagkit at gusto ko na lang kusang mag laho. Nauna ng lumabas sa silid si Mrs. Cheska at nag sitayuan na rin ang iba ko pang mga kaklase. Tumayo na rin kami ni Nadya at kusang nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan ng tumayo na rin si Tauruz, seryoso at tahimik lamang ito sa buong klase pero kahit ganun, ramdam ko ang malagkit nitong titig sa akin. Kinuha ko na ang mga gamit ko; ramdam kong lalapitan ako ni Tauruz, kaya't binilisan ko na ang pag ligpit at iniwan na si Nadya na hindi ko naman araw-araw na ginagawa na iwan ito. Rinig ko pa ang pag tawag sa akin ng pinsan ko at hindi ko na kina-lingon, bagkus binilisan ko na lang ang pag lakad ko: Ang gusto ko lamang tuluyang maka-layo sakanya, hanggang tumigil ako sa parteng likuran ng Campus. Hinahabol ko na ang aking pag-hingga. Daig ko pa nakipag marathon para lamang layuan si Tauruz. Sinapo ko na ang noo ko at hindi makapaniwala sa aking ginawa. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Chloe?" Pinapagalitan ko pa ang sarili ko. Ilang minuto ako nag hintay sa likod at sinisiguro ko talaga na tuluyan na hindi ko na ito makikita. Hinakbang ko na ang paa ko pabalik para hanapin ang pinsan ko. Tiyak bubungangaan na naman siya nito sa pag-iwan ko sakanya. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang may isang bagay na nag paagaw ng atensyon ko na makita ang dalawang bulto ng tao na nag lalakad medyo may kalayuan sa akin. Huminto ako at nakapako lang ang titig ko sa dalawang mag kasintahan at napaka-sweet nila. May kirot sa aking dibdib na makilanlan kong sino iyon. Kundi si Bernard, kasama nito si Tasya ang leader ng cheering squad. Nanikip ang aking dibdib at pamumuong luha sa aking mata na mag halikan silang dalawa at kusa ko nang nabitawan ang hawak kong libro; kasabay ang pag agos ng luha sa aking pisngi. Bakit? Bakit ang sakit pa rin ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD