Kill's POV "Ang sakit ng lalamunan ko." napatingin ako kay Ella na umupo sa tabi ko. Nasa isang kainan kaming lahat ngayon para kumain pagkatapos naming maligo. Konti palang kami dito at lahat sila ay mga nakasubsob sa lamesa. "Sumigaw sigaw ka ba naman at magmura ng malutong." sabi ni Ate Kiwi habang nakasubsob sa lamesa. Katabi nya si Ate Rita na kalong kalong si baby Rico. Katapat namin sila ni Ella. "Eh paano naman kasi.." reklamo ni Ella. "Mabuti na lang talaga nakaganti ako kay Avey. Muntik na ako maihi sa short ko sa sobrang takot." natawa ang mag-asawa. "Pero masyado ninyong sinaktan si Avey. Lahat kayo gumanti sa kanya." sabi ko. Umangat ng tingin si Ate Kiwi na may ngisi sa mukha. Hindi ko gusto ang ngising nyang yon. "Concern." sabay na sabi nilang tatlo. Inirapan ko sila a

