Kill's POV "Babe be ready, I'm back." kumunot ang noo ko. Tinignan ko naman yung isa na nakangisi pa rin sakin. Anong ginagawa ng mga ito dito? Tumingin ako kay Abby na masamang nakatingin samin ng nakayakap sakin. Nung napansin nya na nakatingin ako sa kanya inirapan nya ako. "Hoy Mendez feel na feel ang pagyakap kay Bear ah." sabi ni Shiela kaya tinignan sya ni Daniella pero nakayakap pa din sakin. "I'm just missed my babe." kahit hindi ko sya nakikita alam kong nakapout sya. "Namiss ko din si Kill kaya ako naman ang payakap sa kanya, Dalandan." napangisi ako dahil dalandan pa din ang tawag ni Rachel kay Daniella. "No!" sabi ni Daniella at niyakap ako ng mahigpit. "Wag kang madamot dyan Dalandan." sabi ni Rachel at pilit na ilayo sakin si Daniella. Medyo nasasaktan naman ako dahil

