Kill's POV Nagising ako sa likot ng katabi ko. Napangiti ako nang makita ko si Avey na natutulog sa tabi ko. Ang sarap gumising kapag ang taong mahal ko ang una kong makikita. Ang ganda agad ng araw ko. Pinagmasdan ko ang maganda at maamong mukha ni Avey. Walang kupas kahit may muta pa sya sa mata ang ganda nya pa din kahit siguro magkapanis na laway pa sya maganda pa din sya. She's Avey Walker, one of goddesses. Nailing ako sa naisip ko. "Arh!" napatingin ako sa kabilang kama. "Maki, natutulog si Avey at si Dom na katabi mo lang. Mag-uunat na lang may tunog pa." inis na sabi ko. Nasa camp pa din kami, dito na kami natulog dahil gabi na. Nagtabi tabi na lang kami sa kama para makahiga kaming lahat at ang boys at sila Dad with Avey's parents and Lolo sa DBB natulog. Nasa DBB ang main o

