Shiela's POV "Aray! bakit ka ba nakabatok dyan? sakit huh." kawawa naman ulo ko nabatukan ni Noimi, baka magkabukol ako nito eh. "Wag mong titigan si Juls baka matunaw." hindi ko naman tinititigan si Juls ang epal nito. Napatingin lang ako sa gawi nya, tinititigan agad? barbero talaga itong si Noimi. "Kwento kwento ka dyan Noimi." sabi ko. "Asus deny pa, masarap bang kahalikan si Juls?" namula ang mukha ko na ikatawa nya. "Nagblu-blush ka Shield!" nang-aasar na sabi nya. "Che!" pero tinawanan nya pa ako lalo. Nakakainis naman si Noimi eh, medyo nakalimutan ko na nga yun pinaalala pa. "Okay girls! nakikita ninyo yang sobrang taas na hagdan na yan? aakyatin natin yan hangga sa pinakataas." sabi ni Ella. "Para may thrill." sabi ni Avey. Napansin ko naman na sabay sabay umiwas ng tingin

