Third Person's POV Naiiling na nakatingin si Avey kanila Lexie na sumasayaw na sexy dance sa dance floor. Halata nga nagseselos si Lexie dahil ginawa nila ang suggestion ni Avey. Ganon talaga ang love, gagawin mo lahat mapansin ka lang ng gusto mo. Tumingin sya kay Kill dahil silang dalawa na lang ang natira sa table nila. "Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong nya kay Kill, dahil kasali nga si Scarlette sa nagkakagulo don baka nagseselos din sya katulad nila Lexie kahit tahimik lang sya. Tinignan lang sya nito at binalik ulit ang tingin sa dance floor. Palihim na selos. Sa isip ni Avey. "CR lang ako huh." sabi nya pa kay Kill tsaka tumayo. "Pre sa CR daw ang punta, pagkakataon ko na ito." rinig ni Kill na sabi sa kabilang table. Naisip agad ni Kill na baka may balak silang gawin

