Kill's POV "Ladies and Gentlemen, let's welcome the Miracle!" sabi ng announcer, naunang lumabas si Avey kasunod kami. Wala si Lolo ngayon dahil may inaasikaso sa farm nya kaya si Avey lang ang kasama namin. Pagkalabas namin may nagpalakpakan naman at may nag-boo na halata sa panig ng mga Zebra Jacks, hindi namin pinansin yon pero alam kong nagtitiis lang sila Sam. Nagpunta kami sa bench namin at nag ayos ng mga gamit. "And now, let's welcome the top four team in all Cup Tournament, Zebra Jacks!" sabi ng announcer, napangisi ako dahil halatang panig sa Zebra Jacks yung announcer. "Wooh!!" "Talunin ninyo yan Zebra Jacks!" "Ang hot mo Janine!" "Tambakan nyo yan! easy na sa inyo yan!" Tinignan ko ang mga audience, karamihan babae ang nanonood. "Wow daming nilang fans." sabi ni Eli.

