Kill's POV "Since tayo naman ang magkaroommate sa dorm, tayo din ang magkaroommate dito sa resort." sabi nya at dumeretso sa loob ng kwarto. "Wala ka bang sariling kwarto dito? diba resort ninyo ito?" tanong ko habang nakatayo pa din sa harap ng pintuan. "Actually, ito ang room ko." sabi nya at nahiga sa queen bed sized. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. "Hindi ako hibang para matulog katabi mo." sabi ko nang makitang iisa lang ang higaan. Kaya pala queen bed sized ang kama. "Wala ka magagawa baby dahil nakapair na ang lahat at tayo ang magkapair kaya ayusin mo na ang mga gamit mo dahil mamayang lunch mame-meet natin ang head so be prepared. Pakigising na lang ako kapag eleven na." sabi nya at natulog na ata. Tumingin ako sa relo ko at 8:30am na, may konting oras na lang kami para

