Kill's POV "Grabe Abby ang laki ng bahay ninyo. Mag-isa lang dito si Avey?" tanong ni Ashley. Ang laki nga na bahay nila na mukhang mansion pa ata sa laki. Hindi kaya sila naliligaw dito? "Hindi naman may mga kasamang bahay kami dito." sagot ni Abby at naunang pumasok sa loob. Sumunod na lang kami sa kanya. "Ma'am Abby!" may isang kaedad namin na tumawag kay Abby. "Sasha!" sigaw ni Abby at niyakap yung Sasha daw. "Wow ang ganda nya." napatingin kami kay PJ. "Laway mo tumutulo na." asar ni Zeke, agad naman pinunasan ni PJ yung bibig nya na wala namang laway. "Wala naman ah!" natawa na lang sila kay PJ. Napaghahalataan. "Sige po." sabi nung Sasha tsaka umalis. "Abby pakilala mo daw si PJ kay Sasha." sabi ni Lexie. "Oy wala akong sinasabi ah!" natawa sila dahil namumula ang mukha ni

