Chapter 2

4649 Words
Julie's POV Nagulat ako sa dalawang babaeng nilagpasan ako kanina tapos sa sinabi pa ng isa. So nalaman pala nilang may pinaplano kaming pahirapan sila ngayon. Balak namin na iligaw silang lahat at kung kaya nilang sumunod samin nila Lexie. Tatlo kami na magpapagulo sa kanila. Ako, si Lexie at isang pang player na si Sharm. Ako at si Sharm diretso na sa camp kapag nasundan kami, kapag si Lexie naman sinundan nila matatagalan pa silang makarating sa camp dahil mapaglaro si Lexie ililigaw nya yung mga rookies. Kaya hangga na ako sa dalawa kanina, nalaman kagad nila yon. Sinabi ni Lexie na sya ang sundan pero ako ang sinundan nila tapos inunahan na nila ako. Matalino ang dalawang yon. Hindi na ako magtataka kung bakit sila ipinasok dito sa training camp. Mukhang susundan lang nila ang kalsada na tatahakin ng dalawa kaya lumiko ako para magshort cut. Hahabulin ko ang dalawang yon at titignan kung paano sila makakarating ng camp. Binilisan ko ang pagpedal nang makita ko ang dalawa sa kalsada. Dumaan ako sa ramp para mapunta ako sa kalsada. Nasa likuran ko na ang dalawa. "What!" rinig kong sabi ng babaeng nagsalita kanina. Napangisi ako. "Akala mo ah!" napansin kong binibilisan din nya ang pagpedal para maabutan ako pero hindi ako nagpatalo sa kanya. Napansin ko din na yung isa ay bumibilis din. Bigla akong nagkaroon ng plano. Ililigaw ko ang dalawang ito. Mukhang sinusundan naman nila ako dahil ako ang nasa unahan. Mabuti na lang sa isang kilometro may dalawang daan. Kaliwa at kanan. Ang kaliwa ang daan papuntang camp habang ang kanan ganon din pero mas mahabang daan naman. Binilisan ko lalo ang pagpedal para talagang sundan nila ako. Malapit na ang dalawang palikong daan. Binagalan ko ng konti para saktong makaliko ako tsaka ko binilisan.  "Bear! Left!" sigaw ng isang babae. Tumingin ako sa likuran ko at napamura na lang na hindi sila sumunod sakin at kumaliwa sila. Nabasa nya ako don? Mukhang hindi namin maloloko ang isang yon. Tama na nga ang laro. Uunahan ko na lang sila sa camp para maghinayang sila na hindi sumunod sakin dahil nakarating agad ako sa camp. Dumaan ako sa gubat. Diretso lang ito sa camp kaya mauunahan ko ang dalawa. Nakarating ako sa gate 2 ng camp. Nandon ang iba pa naming kasamahan na naghihintay samin. "Katulad ng inaasahan, wala sumunod sayo." sabi ni Ella. Tumingin ako sa paligid. Ayos, wala pa ang dalawa. "Meron nung una pero inunahan na nila ako dahil nalaman nilang patatagalin namin ang pagsunod sa kanila." sabi ko. Kumuha ako ng tubig. Napagod kaya ako don. "Matalino." sabi ni Ella. Ngumiti ako sa kanya. "Sinabi mo pa." sabi ko. "Wala pang dumadating dito bukod sayo kaya mukhang hindi nila alam kung paano makarating dito. Kung sinundan ka na lang nila." napailing na sabi ni Joey. "Alam nila. Kanina hinabol ko pa sila tapos balak ko sanang iligaw ang mga yon dahil mukhang sinusundan na nila ako dahil pinipilit nilang unahan ako. Sa West and East Road, diba ang West maikling daan papunta dito tapos ang East mahabang daan. Nag-East ako pero hindi nila ako sinundan, nag West sila. Since hindi naman nila ako sinusundan, pumunta na ako dito at paghinayangan sila na hindi nila ako sinundan dahil naunahan ko sila dito kahit na nagshort cut lang ako." sabi ko at natawa. "Nice idea!" sabi ni Nathalie. Nakipahigh-five ako sa kanya. "Ilan ba sila?" "Dalawa." sagot ko. "Iniisip ko tuloy kung sino ang dalawang yon." sabi ni Ella habang nakatingin sa papel kung saan nakalista ang mga rookies na itra-train namin. "Malalaman din natin kapag dumating na sila." sabi ko at tumingin sa kalsada. May naanigan akong dalawang tao. "At nandito na nga sila." Napatingin sila sa dalawang parating at nag-uunahan. "Sila yung naligaw kanina." biglang sulpot ni Sun sa likuran namin kaya nagulat kami. Tumawa naman ang lokaret.  "Bwisit ka Sun! wag ka ngang manggulat!" sabi ni Nathalie. Nagpeace-sign lang si Sun. "Anong pangalan nila?" tanong ni Ella. "Hindi ko alam. Hindi sila nagpakilala eh." sagot ni Sun. Parating na ang dalawa. Mabilis ang patakbo nila hanggang makarating sila sa tapat namin kaya hindi agad sila nakatigil at dumiretso pa. Pinanood lang namin ang dalawa na bumalik samin. "Nanalo ako Bear!" sigaw ng babae na pinipilit akong habulin kanina. Napansin ko na ang daldal ang taong ito tapos yung isa hindi. "Alam ko." ngayon ko lang narinig ng maayos ang boses ng isa. Malalim at ang lamig ng boses nya. Tinanggal nilang parehas ang helmet nila tapos tumingin samin. Maganda ang dalawang ito. Morena na ang madaldal tapos maputi na namumula naman ang tahimik. May lahi ata ito. "Oh-M-G! Julie Romero!" nagulat ako sa tili nung babaeng madaldal. Akala ko susugurin nya ako katulad ng mga fans ko pero hindi, nagtago sya sa likuran ng kasama nya. Natawa naman si Sun habang kami nila Ella ay nagtataka. Bumuntong hininga ang kasama nya. "Bear, si crush nandito. Oh-M-G." rinig namin ang sinasabi ng babaeng nasa likuran. Natawa na sila Nathalie sa inaakto ng babae at ako naman ay napangiti. "Crush ka nya Juls." pang-aasar ni Sun at sinanggi pa ang balikat ko. Napailing na lang ako. Hindi na iba sakin yon. "Hi. Congratulation at nakarating kayo dito sa camp." nakangiting bati ni Ella. "Ako pala si--" hindi naituloy ni Ella ang pag-iintroduce nya sa sarili nya nang magsalita ang babaeng nasa likuran. "Ella San Jose! Ang vice captain ng Dragon Empire! Idol na idol po kita!" sigaw nya. Ang laki ngiti nito habang nakatingin kay Ella. "Pwedeng payakap po?" parang batang humihingi sya ng candy kay Ella. Natawa naman si Ella sa kanya. "Kay Juls ayaw mong magpayakap?" siniko ko si Sun sa sinabi nya. Natigilan yung babae at muling nagtago sa likuran ng kasama nya. Natawa na naman sila Sun sa kanya. Napailing ako. Pinagtri-tripan nila ang babaeng yon. "Anong mga pangalan ninyo?" tanong ni Nathalie. "Hindi na kami magpapakilala dahil mukhang kilala ninyo kami." "Yes naman po!" sabi nung nasa likuran. Napansin ko pang tumingin sya sakin pero saglit lang. Natuwa naman ako sa inasta nya. "My name is Kiarra Iran Lou but please call me Kill." sabi ng babaeng tahimik. Ang lamig at ang lalim talaga ng boses nya. "Okay, Kill. Nice to meet you." sabi ni Ella. "Ako naman si Shiela Alonso. Nice to finally meet you mga idol!" sabi nung babaeng madaldal. So Shiela ang pangalan nya. "Awesome." komento ni Ella. "Magpahinga na muna kayo dito o kung gusto ninyo kumain muna kayo sa cafeteria." "Kakain na lang muna kami." sabi ni Shiela. "Bakit? ayaw mo bang makasama si Juls?" ayaw talagang tumigil nitong ni Sun eh. Kitang nahihiya si Shiela sakin. "Samahan ko na lang sila sa cafeteria." sabi ni Nathalie. "Wag! si Juls na lang." ngising asar ni Sun. Napailing ako. Pero sa huli si Nathalie pa din ang sumama sa cafeteria. Panay naman ang tukso sakin ni Sun kay Shiela. "Tumigil ka nga. Nasaan pala si Avey?" tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Nasaan na naman yon? Kill's POV Habang papunta kami sa sinasabi nilang cafeteria. Nagtanong ako kay Nathalie kung nasaan ang restroom dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tinanong ko din kung nasaan ang cafeteria para hindi ako maligaw pagkatapos magbanyo. Pinauna ko na sila at ako nagtungo sa tinurong banyo ni Nathalie. Mabilis lang din ako nagbanyo tsaka ako sumunod sa cafeteria. Habang naglalakad tumingin ako sa paligid. Ang lawak ng lugar na 'to. Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta sa gate kung saan nandon ibang miyembro ng Dragon Empire. Nakajacket sya at jogging pants. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang babae at pumunta na lang sa cafeteria. Si Shiela na lang ang nandon nang dumating ako. Sinabi nya na bumalik si Nathalie sa gate. Hindi na ako nagtanong pa at kumain na lang ng pagkain na nakahanda sa lamesa. Pagkatapos naming kumain ni Shiela, hindi muna kami bumalik sa gate dahil hindi pa daw sya ready makaharap si Juls at nahihiya sya dahil sa inasta nya kanina habang inuunahan namin si Juls. Hindi ko napansin na si Juls pala ang inuunahan namin. Nalaman ko lang yon nung makita ko sya sa gate. Naunahan nya kami pero alam kong nagshort cut lang yon. Kabisado nya ang daan papunta dito kaya madali lang sa kanya ang makarating dito. Hindi katulad namin na hindi alam. Dalawang oras kaming tumambay ni Shiela at walang sumusundo samin na miyembro ng Dragon Empire kaya baka nandon pa din sila sa gate kaya bumalik na kami doon.  Nadagdagan kami na nakarating dito tapos nandito na din si Lexie. Ibigsabihin, naligaw o hindi nakasunod ang iba sa kanya dahil nandito na sya. "Bear! si Noims nandito oh!" tumingin ako sa tinuro nya. Nakita ko si Noimi na may kausap na babae. Tumakbo si Shiela sa kanya at niyakap si Noimi. Nagulat pareho ang dalawa. "Shield! Nandito ka!" sa sigaw ni Noimi maraming napatingin sa kanila. Nagtatalon na nayakap ang dalawa sa tuwa na magkita sila. Ayokong lumapit sa kanila dahil siguradong pagtitinginan kami. "Nandito din si Bear!" sabi ni Shiela. "Nasaan?" tumingin sa paligid si Noimi hanggang sa tumigil sakin. "Kill!" tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako. "Gosh! nandito kayo!" "Oo na. Oo na, kalas na pwede?" sabi ko. Hindi ako touchy na tao. Ayokong niyayakap ako. "Arte!" sabi nya tapos tumawa. "Buti nakapasa kayo dito!" "Hindi ko nga alam kung bakit ako nakapasa dito." sabi ko. Natawa ulit sya. "Kailan ka pala umuwi?" tanong ko. Sya ang isa naming kaibigan ni Shiela na nasa ibang bansa. Kasama namin sya magtry-out noon. Umuwi talaga sya ng Pilipinas para lang magtry-out tapos ngayon, isa na sya sa itra-train. "Kagabi tapos diretso na ako dito. Natulog na lang ako sa kotse. Hindi ko na kayo nagawang tawagan dahil sa pagod sa byahe." sabi nya. Tumango ako. "Kanina pa kayo dito?" "Oo, kami ang nauna ni Bear dito." singit ni Shiela. "Nalaman kasi ni Bear na paghihirapan tayo nila Lexie kaya naisip nyang unahan na lang namin sila dito." "Napansin ko din yon kaya hindi na ako sumunod kay Lexie. Akala ko ako ang nauna dito. Kayo pala." sabi ni Noimi. Sya pala ang sumunod na dumating. "Tapos isang oras dumating din sila Lexie kasama ang apat." Tinignan ko ang apat na sinasabi ni Noimi. Magkausap yung tatlo habang yung kausap kanina ni Noimi ay kausap ni Sun. Hinanap ko din ang babaeng nakita ko kanina na papunta dito pero wala sya. Dumating na din ang iba. Nakasunod silang walo kay Sharm na miyembro din ng Dragon Empire. Pagod na pagod ang walo na halos hindi na makatayo pagkaupo nila sa semento. Binigyan sila ng tubig at towel nila Sun tsaka binati. "Okay girls! alam kong pagod na pagod na kayo kaya para makapagpahinga na kayo ibibigay na namin sa inyo ang room ninyo. Dalawang tao sa isang kwarto at nandito ang list ng room number at kung sino ang karoommate ninyo." sabi ni Ella tsaka kami binigyan ng tag-iisang papel. Tinignan ko kung anong number ng room ko at kung sino ang karoommate ko pero blanko ang nakaligay. Sabagay, fifteen kami kaya sobra ng isa. "Yung mga gamit ninyo nasa kwarto na ninyo at yung mga sasakyan nasa parking lot." sabi ni Juls. "Kung nagugutom kayo at gusto ninyong kumain may cafeteria tayo. Nakahanda na ang pagkain doon." sabi ni Nathalie. "Kung gusto naman ninyo magpahinga na, pwede na kayo pumunta sa room ninyo. Ihahatid namin ang pupunta ng dorm o cafeteria." dagdag nya. "Noims! magkaroommate tayo!" sabi ni Shiela. Mabuti na lang isa sa kanila ang hindi ko makakaroommate. Inihatid kami nila Sun sa dorm. Pito kaming gustong magpahinga habang walo naman ang gustong kumain kasama doon si Shiela at Noimi. Gusto lang samahan ni Shiela si Noimi kumain pero ako gusto ko na magpahinga. "Eto ang dorm?" tanong ng isang rookies. "Mas maganda atang tawagin itong mansyon eh." Malaki ang dorm na sinasabi nila Lexie. Katulad ng sabi ng isang rookies, parang mansyon nga ang itsura ng dorm. Sobrang laki kasi ng bahay. Sabagay madami kami tapos ang mga miyembro pa ng Dragon Empire. "Welcome!" bati nila Juls. "Mga nasa 200 ang room number nasa second floor tapos ang mga nasa 300 nasa third floor at 400 naman nasa fourth floor. Sige na pwede na kayo pumunta sa room ninyo." "Thank you/Salamat." sabay sabay na sabi ng mga kasamahan kong bago. Pumanik sila sa itaas para hanapin ang room nila ganon din sila Juls. Hindi muna ako umakyat. Tinignan ko ang buong first floor. Malaking sala lang ang buong first floor na madaming couch tapos malaking tv. Pwede na itong maging sinehan. Sa dulo may mini kitchen na puro utensil lang tapos tatlong malaking ref. Umakyat na ako sa pangngatlong baitang dahil ang room number ko ay 305 kaya nasa third floor ito. Pagbukas ko ng pintuan ng room ko ay dalawang higaan ang nakita ko. Pinagmasdan ko ang kwarto. Malinis at moderno ang design. Nakita ko ang mga gamit ko sa gilid ng isang higaan. Kumuha ako ng damit pamalit tapos pumunta ako sa banyo para maligo. Sa banyo, may ilang gamit na nakaligay dito tapos may nakasabit pa na brassier. Nagtaka ako. May karoommate ba ako dito o wala? mukhang may natutulog na din dahil may mga gamit na dito. Naligo na muna ako at hindi muna inisip yon. Pagkatapos kong maligo tinignan ko ang ilang gamit dito. Binuksan ko ang isang cabinet at may mga damit ito. Napansin ko din na ilan doon ay jersey ng Dragon Empire. Kaya siguro blanko ang nasa papel dahil isang miyembro pala ng Dragon Empire ang makakaroommate ko. Pero sino? Kinabukasan. Maaga kami nagising dahil ito-tour daw nila kami sa buong camp. Hindi dumating yung karoommate ko na kahapon kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung sino makakasama ko sa kwarto. Kumain muna kami sa cafeteria tsaka kami naglibot sa buong camp. Malaki at malawak ang camp, may limang court dito, isang indoor at apat na outdoor. May malaking cafeteria tapos may malaki ding gym na kompleto sa kagamitan. May golf court, tatlong swimming pool na may indoor at outdoor tapos may arcade din. Sobrang yaman ng nagpatayo nito. "Kanina may nakita akong mga lalaki, diba basketball girls 'to? bakit may mga lalaki?" tanong ng isa.  "May Dragon Basketball Boys International Training Camp din. Katabi lang ng camp natin ang camp nila. Bali pwede silang pumunta dito at pwede din tayo pumunta sa kanila, may mga place kasi sa camp nila na wala sila na meron tayo at ganon din tayo sa kanila. Katulad na lang ng Music room meron sila non, wala naman tayo non at basta madami pa. Minsan naman pumupunta sila dito dahil sa pagkain. Ganon" mahabang paliwanag ni Ella. Tumango tango sila at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sya nga pala, girls. Ang Dragon Basketball Girls ay nahahati sa dalawang grupo, Red Dragon at Blue Dragon. Mamayang ala tres ng hapon kailangan ninyong pumili kung saang grupo kayo gusto nyong mapunta. Sa left side ng indoor court doon ang Blue Dragon sa right naman yung Red Dragon." sabi ni Ella. "Para may clue kayo kung saan kayo sasali ng grupo. Ako ang Vice captain ng Red Dragon kasama ko sila Sharm at Joey. Si Ella naman ang Captain ng Blue Dragon at si Lexie yung Vice captain, kasama nya si Nathalie at si Sun." sabi ni Juls. "So 12:30 na din at mukhang gutom na kayo pwede na kayo kumain at pag-isipan ninyo na kung saan grupo kayo sasali." sabi ni Ella. Sa sinabi nyang yon ay nagpaalam ang ilan sa kanila at lahat kami tumungo sa cafeteria. Ang dalawa ang umorder ng pagkain namin habang ako naghanap ng lamesa. Pinili ko ang pang-apatan na tao. Habang hinihintay ang dalawa, lumapit sakin si Juls. "Hey, Kill." bati nya na ikatango ko lang. "Yung roommate mo pala mamaya pa dadating yon dahil may inasikaso lang kaya wala sya kahapon." Kaya pala wala. "Okay. Salamat sa pagsabi." sabi ko. "No problem. Sige." sabi nya at umalis na sya. Maya maya lang din dumating na ang dalawa. Nagsimula na kaming kumain habang nagkwe-kwentuhan sa mga nangyari nung hindi kami kompleto. Si Shiela at Noimi lang madalas magsalita pero nakikisali ako minsan sa kanila. "So anong group sasalihan natin?" biglang tanong ni Noimi nang maubusan sila ng topic. Tapos na din kaming kumain. Nagpapahinga na lang kami. "Hindi ko alam, ikaw Bear?" tanong ni Shiela. Nakakitbitbalikat lang ako. "Kayo ba." sabi ko. "Ang galing ng sagot ninyo, grabe." sabi ni Noimi. Napangisi naman ako. Kahit saan naman ayos lang sakin. "Alam ko na, sa red team tayo tutal nandon si Juls." tumaas baba ang kilay nya habang nakatingin kay Shiela. "Pwede." sang-ayon ko. Namula naman si Shiela. "Bwisit kayo." sabi ni Shiela pero halatang kinikilig naman. Ang arte gusto din naman. Alas dos ng hapon bumalik kami sa kwarto namin para magpalit ng damit. Sinuot ko ang dating jersey ng team namin Shiela pero ibang jersey short naman ang sinuot ko. Itinali ko ang buhok tsaka ako lumabas. Nasa fourth floor ang kwarto nila Shiela kaya sa sala ko na lang sila hihintayin. Habang naghihintay sa dalawa. Lumalabas na din ang iba naming kasamahan. Nagpapakilala sila sakin, ayoko maging rude sa kanila kaya nagpakilala din ako sa kanila. Nagtanong sila kung anong team ang sasalihan namin. Sinabi ko na sa red team kami at nalaman ko na blue team sila. Sayang lang. Mukhang magaan silang kasama kaso ibang team sila. Naunang umalis sila kaya naiwan na lang ulit akong mag-isa. Ang tagal naman ng dalawang yon. "Sawakas." reklamo ko pagkakita ko sila sa hagdanan. "Atat lang?" sabi ni Noimi. "Ang tagal ninyo kaya." sabi ko. "Tara na nga." Pumunta kami sa lugar kung saan ang Red team. Kasabay namin sila Juls na dumating kaya nag-umpisa din agad kami. Pito kaming nandito kaya walo ang nasa blue team. "Okay, start na tayo. Magpakilala kayo. Name, Age and position ninyo sa last team ninyo." sabi ni Juls. Inuna nya ang nasa kabilang dulo. Ako kasi ang pinakadulo. "Hi! My name is Ashley Quitlong, 17 years old, dating captain. Nice to meet you all."  "Hello, I'm Gail Mendoza, 18 years old, point guard." "Goodafternoon, I'm Maybelle Himenez, 18 years old, point guard din." "Hi, Krystal Gajudo, 17 years old, small forward." "He-hello! Ako pala si Shiela Alonzo, 18 years old, center." sabi ni Shiela. Hindi man halata pero center talaga ang role ni Shiela. Mas magaling yan sakin. "Hi, My name is Noimi Cruz, 18 years old, point guard." sabi ni Noimi. "Kiarra Iran Lou but please call me Kill, 18 years old, bench person." sabi ko. Lahat sila napatingin sakin. Gulat kayo? ako din eh. "Bench person? nasa bench ka lang?" tanong ni Joey. Tumango ako. "Seryoso?" tumango ulit ako. "Magkateam kami dati. Totoo ang sinasabi nya, lagi lang syang nasa bench pero magaling syang magpasa ng bola kaya pwede na sa kanya ang role na small forward." sabi ni Shiela. "Alright, warm up na tayo para masimulan na natin yang kakayahan ninyo sa pagba-basketball." sabi ni Juls. Sinimulan na naming magwarm-up habang ginagawa yon nakipagkaibigan samin ang apat. Nakasundo agad nila Shiela ang apat dahil pare-parehas lang silang maiingay at madaming kwento. Hindi nila ako napapansin dahil aliw na aliw sila sa isa't isa. "Kill." tumingin ako sa tumawag sakin. Si Ashley. May pakaboyish ang kilos nya pero magandang babae. "Bakit ang tahimik mo dyan?" sa sinabi nyang yon napatingin samin yung iba. "Wala naman akong dapat sabihin." sagot ko. "Ang lamig ng boses mo." komento ni Krystal. "At ang lamig din ng tingin mo sa totoo lang." natawa naman yung dalawa. "Masanay na lang kayo pero mabait naman yan." sabi ni Shiela. "Diba Noims?" "Yup. Ganyan talaga yan kaya sanayan na lang." sabi ni Noimi. Tumango naman yung apat at hindi na nagtanong tungkol sakin. "Girls! tara dito!" tawag ni Sharm kaya pumunta kami sa kinaroroonan nilang tatlo. Iniisip ko kung nasaan ang ibang miyembro ng Dragon Empire at bakit pito lang silang nandito.  "Maglalaro tayo 4 vs 4 since pito lang kayo isasali natin si Sharm. Ang magkagrupo ay sina Gail, Noimi, Kill at Krystal tapos Sharm, Maybelle, Shiela and Ashley naman." sabi ni Juls. "First half lang gagawin natin. Ipakita ninyo ang galing ninyo dito dahil ita-take down notes namin yon para malaman namin kung ano pa ang pwede iimprove sa inyo. So goodluck and have a nice game." Lahat kami pumunta sa loob ng court. Pumwesto kami, si Gail yung magju-jump ball samin tapos si Maybelle naman sa kabila. Nung hinagis na ni Joey yung bola paitaas, naghintay saglit yung dalawa tsaka sila tumalon at si Gail ang nakakuha ng bola at napunta yon kay Noimi kaya nagsitakbukan kami papunta sa court nila Shiela. Nag-lay up si Noimi pero na block sya ni Maybelle. Nakuha ni Sharm yung bola at tumakbo papunta sa court namin. Dahil ang bilis nya at walang nakahabol sa kanya, nakascore kagad sila. "Okay lang yan! nagsisimula pa lang tayo." sabi ni Krystal at pinasa yung bola kay Noimi, tumakbo kami papunta sa court ng kalaban. Ipinasa ni Noimi ang bola kay Krystal at agad syang binatayan ni Ashley. Pinilit na makalagpas ni Krystal kay Ashley pero dahil mahigpit magbantay si Ashley hindi nya yon magawa. Napatingin ako sa nagbabantay sakin na si Sharm, nakatingin sya kanila Krystal habang binabantayan ako. Mabilis ako umalis at tumakbo sa open, nung nakita ako ni Krystal ipinasa nya agad sakin yung bola, mabilis kong tinignan kung sino yung open nakita ko naman si Noimi kaya nung malapit na sakin yung bola agad kong pinasa sa kanya. Mabilis ang pasa ko na hindi agad nila nasundan kung saan napunta. Nakuha ni Noimi yon at agad ipinasok sa ring. Score. 2-2. "Woah." rinig kong sabi nila. Hindi ko sila pinansin at tumakbo papunta sa court namin. "Shiela!" natauhan ang lahat nung sumigaw si Maybelle, pinasa nya yung bola kay Shiela tsaka sila tumakbo papunta sa court namin. Mabilis nakatakbo si Shiela dahil mabilis naman talaga syang tumakbo kaya hinarangan ko sya at tumigil sya sa harap ko habang mabagal na nagdri-dribble. "Nakakagulat yung ginawa mo kanina Bear, ang bilis ng pasa mo halos hindi ko nakita kung paano napunta kay Noims." nakangiting sabi nya. Mabilis nyang drinibble yung bola na pa V papalit palit sa mga kamay nya. Pumunta sya sa kanan kaya humarang ako pero mabilis syang umikot at dumaan sa kaliwa ko. Ang bilis sya talaga. Hinarangan sya ni Krystal pero naipasa nya agad kay Ashley yung bola at nag-three point shoot sya at pasok yon. Kinuha agad ni Gail yung bola at ipinasa sakin, nakita ko na tumakbo na papunta sa court nila si Krystal kaya mabilis kong ipinasa sa kanya nang nasa ilalim na sya ng ring. Walang humarang sa bola kaya nasalo ni Krystal ang bola at ipinasok sa ring. "Unbelievable!" sabi ni Sharm. "Mukhang kailangan na natin magseryoso girls." ngising sabi ni Ashley, tumango naman sila Shiela sa kanya. Na kay Sharm yung bola at binabantayan ko sya, nung tumingin sya sa iba agad kong tinapik yung bola. Kinuha ko ang bola at tumakbo papunta sa court nila. Pero nung malapit na ako hinarangan ako ni Shiela, bilis talaga. Nagfake ako na magsho-shoot na kaya napatalon sya, nilagpasan ko agad sya at nag-lay up then score. Score. 5-6. "s**t naisahan ako don huh." rinig kong sabi ni Shiela. "Nice one Kill!" sabi ni Noimi. Nakipaghigh-five ako sa kanya. Binantayan ko si Sharm. "Ang galing natin huh." sabi nya, tumango na lang ako sa kanya. Na kay Shiela yung bola tapos pinasa kay Maybelle at nag-tres sya, pasok. Puro three point shooters pala ang kalaban namin. Tumakbo kami papunta sa court nila, na kay Gail yung bola at binabantayan sya ni Ashley, natapik ni Ashley yung bola tsaka sya tumakbo papunta sa court namin pero hinarangan naman agad sya ni Noimi pero nalagpasan din sya ni Ashley at nagkascore ulit sila. Score. 10-6 "Kaya ninyo yan!" sigaw ni Juls. Kinuha ko yung bola at pinasa kay Gail dahil sya ang malapit sakin tsaka kami tumakbo papunta sa court nila Shiela. "Seryosohan na 'to." agad pinasa ni Gail yung bola kay Noimi, dahil mahigpit ang bantay sa kanya ni Maybelle. Pinasa ulit ni Noimi kay Gail ang bola. Nagdribble si Gail na pa V parang katulad ng ginagawa ni Shiela kanina sakin tapos nagbalak syang dumaan sa kanan pero naharangan ni Ashley pero umikot si Gail pakaliwa at nalagpasan si Ashley. Kung ano yung ginawa ni Shiela kanina sakin ganon din ang ginawa ni Gail. So ang kakayahan nya ang mangopya ng moves? Score namin, na kay Ashley yung bola pinasa kay Sharm pero agad din pinasa kay Shiela. Mabilis sila magpasahan ng bola. Nasa three points position si Shiela kaya nag-tres sya pero mukhang nadaplisan ni Krystal yung bola kaya hindi na pumasok ang bola. Nakaabang naman si Gail sa ilalim, narebound nya ang bola at agad pinasa kay Noimi tsaka tumakbo papunta sa court ng kalaban pero pinigilan sya nila Shiela at Ashley. Umatras si Noimi pero sumugod din agad pero dahil nakaharang ang dalawa hindi sya nakalusot, umikot sya pakanan ni Ashley pero nahangaran din sya, mukhang inaasahan yon ni Noimi dahil umatras sya ng konti at dumaan sa gitna nila Shiela at Ashley at nakalusot sya, pero hinarangan sya ni Maybelle kaya pinasa nya yung bola kay Krystal, nung nakuha ni Krystal yung bola tinira nya yon sa taas na medyo malayo sa ring. Tumama sa board ang bola kaya nagbounce ito pabalik. Tumalon si Noimi at kinuha ang bola tsaka idinunk ang bola sa ring. "Nice one Noimi!" sigaw ni Gail. Score. 10-10 "Wow, mukhang labasan na ng galing ah?" sabi ni Ashley. "Game ako dyan!" sigaw ni Shiela. Ganon na nga ang nangyari lahat sila nilabas na ang galing nila. Halos dikit yung laban at natatagalan din makascore dahil lagi nablo-block bawat grupo o nakukuha. Parang ginawa na nilang totoong laro 'to. Seryosong seryoso sila. Ayaw magpatalo kaya yung dalawa na hindi naglalaro natutuwa sa pinapanood nila. Ako hindi masyado nagkikikilos, puro pasa na nga ang ginagawa ko dahil sa kanila, sila sila lang yung seryoso dito. Para tuloy akong anino lang na sumusunod sa kanila. "Time's up!" sigaw ni Juls kaya napatigil kami. Yung iba napaupo sa sahig sa sobrang pagod. "Ang galing ninyo girls, hindi talaga kayo nagpatalo." natatawang sabi ni Juls at binigyan kami ng towel at si Joey naman tubig. "All 30, draw ang laban ninyo." sabi ni Joey. "Shete nakakapagod yon!" hingal na sabi ni Sharm. "Ang gagaling nila." "Mukha nga, sineryoso mo yung laro eh." biro ni Juls. Natawa naman sila. "Mukhang magiging masaya ang training ninyo dito" sabi ni Juls.  Nakarinig kami ng palakpak sa likuran namin kaya lahat kami tumingin sa likuran namin. Nakasuot sya ng jacket at jogging pants katulad nang babaeng nakita ko kahapon.  "Avey Walker!" Sabay sabay na sabi nila Shiela. Ako lang yung hindi tumawag sa dumating. "Hi." nakangiting sabi nya at isa isang tinignan sila Shiela.  "Oh-M-G!" tili ni Shiela. "Ang ganda ganda mo sa personal!" natawa si Avey sa inasta ni Shiela. Pinagkaguluhan nila Shiela si Avey at kung ano ano pa ang pinagsasabi nila. "Hindi ka fan ni Avey noh?" tumingin ako kay Juls na tumabi ng tayo sakin. "Hindi." sagot ko. Natawa si Juls. "Wala akong iniidolo kahit isa sa inyo." tumigil sa pagtawa si Juls at tinignan ako na hindi makapaniwala. "Seryoso?" tumango ako. "Ouch ah." napangisi ako sa kanya. "Hi." napatingin ako sa harap ko. Nasa harap ko na pala si Avey. "Napansin ko kasi na hindi ka masyadong nagkikikilos. Puro ka lang pasa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kakayahan mo." "Yun naman talaga ang role ko. Tagapasa." sagot ko. Tinignan nya ako sa mata. Siguro mga ilang segundo kaming nakatingin sa isa't isa bago sya ngumiti. "Impossibleng tagapasa ka lang. Paano ka nakapasa dito kung yun lang?" sabi nya. "Yun din ang pinagtataka ko." sabi ko. Napataas ang kilay nya. Why do I find her so attractive? "Hindi ako naniniwala." sabi nya. Bumuntong hininga ako. "Edi wag kang maniwala." sabi ko. Napatakpan ng bibig si Juls sa tabi ko. Mukhang hindi naman nainsulto si Avey sa sagot ko dahil hindi umiba ang itsura nya. "Bear!" sabi ni Shiela habang nanlalaki ang mga mata. Sila Ashley naman hindi makapaniwalang nakatingin samin. "Maglaro tayo. One on one." sabi nya at nilagpasan ako. Nilingon ko sya. Tinanggal nya ang jacket nya tapos ang jogging pants. Kita na ngayon ang katawan ni Avey.  "Ohmysexy." rinig kong sabi Ashley. "Nice ass." si Krystal naman ang nagsabi non. "Hoy hoy, mga bibig ninyo." sabi ni Noimi. Tumingin ako sa kanila. Nakatunganga si Ashley at Krystal kay Avey. "Ano nga ulit pangalan mo?" nilingon ko ulit si Avey na ngayon ay nakaharap samin. "Ang laki." sabi ni Krystal. "Kill." sagot ko. Tumango si Avey. "Okay, Kill. Let's have a nice game." sabi nya at kumindat bago tumalikod. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD