Avey's POV Pumasok ako ng kwarto namin at nakita kong malalim na naman ang iniisip ni Kill. Napabuntong hininga ako na nakatingin sa kanya. Three days na nakakaraan simula nangyari ang aksidente laging tulala o malalim ang iniisip ni Kill. Naghihinayang pa din sya sa buhay ng mga magulang ni Aiden, ayaw nya nakakakita na namamatay sa harapan nya kaya sya nagkakaganyan. Si Aiden nasa hospital pa pero uuwi na din bukas. Inampon na sya ni Kill at pumayag naman si Aiden na si Kill na ang bago nyang magulang. Medyo nahirapan pa maampon ni Kill si Aiden dahil single sya pero nung sinabi nyang engaged na sya sakin don na pumayag ang DSWD at mayaman naman si Kill kaya talagang papayag sila. Binigyan namin ng maayos na libing ang parents ni Aiden, lumabas saglit ng hospital si Aiden nung nilibin

