Chapter 4 : "unequally individuals"

1370 Words
Chapter 4 Apple So...nandito lang ako para maging clown nilang magkakaibigan? Akala ko ay gustong makipagkaibigan sa akin ni Clarise? Dahan dahang napabagsak ang balikat ko dahil sa lungkot at marahil na rin sa sakit na nandirito sa dibdib ko ngayon. Parang tanga lang talaga ako...bakit ko naman kasi iisipin na ang isang katulas ni Clarise na mayaman at maganda ay gugustuhing makipagkaibigan sa Isang tulad ko? Si-Sino ba ako para pagaksayahan nila ng oras? Ma-Mahirap lang ako... Wala akong kotse, Mamahaling alahas o bagay na pwede kong ipagmayabang sa kanila. Miski ang mga suot ko ngayon ay hiram ko lang sa mga kaibigan kong mayaman tulad nila... "Naiinip kami apple!" Sigaw ni Clarise na naging dahilan para mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Iritable na ang mukha niya at ano mang oras ay handa ng manakit kaya imbes na sermonan sila ay pinili ko na lang na bitawan ang regalo ko at bagsak ang balikat na tumalikod. Hindi na dapat ako nandito kasi hindi nila ako kaibigan, Pinagkatuwaan lang nila ako... Sh-s**t, Wag naman sanang tumulo ang mga luha ko ngayon! Ayokong umiyak sa harao ng mga tao! "Hoy saan ka pupunta?!" Nanggagalaiting sigaw ng babae ngunit hindi ko siya pinansin. Mas mabuti ng huwag ng pansinin yung mga masasakit na salitang sasabihin niya kesa sa mapahiya ako rito. "Oh dear heto na yung mga ulam at pagkain na binalot ko for you, Alam kong hindi ka pa nakakatikim niyan dahil pang mayaman yan kaya dinamihan ko!" Sumulpot si tita sa gilid ko dala ang isang plastic ng Tupperware. Nasa likoran niya ang mga amiga niya na sa tingin ko ay tulad nilang mayaman din. "Iha Kung hindi pa sapat yan sabihan mo lang ako at kukuha pa tayo, Para tuloy makatikim din mg pagkain yung mga kamag anak mong hindi afford yan." Nakangiting wika ni tita sa akin at dahil halos isaboy na niya ang mga Tupperware sa mukha ko ay wala na akong magawa kundi ang tahimik na kuhanin ito. Masakit... Masakit ang malait dahil lang sa estado mo sa buhay, Sa ganitong mga pamamaraan ko nararamdaman na hindi Balanse ang lahat ng bagay. "Aww ang bait talaga ng mommy ko! Meroong puso para sa mga mahihirap na tulad ni Apple!" Sigaw ni clarise na halos umalingawngaw na sa buong lugar. Malakas at matinis ang boses niya kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit lahat ng pares ng mga mata ay nakatuon na sa amin. Animoy naghihintay ng susunod na mangyayari, May mga mukhang concern pero may mga natatawa at napapailing sa akin. Mas lalo lamang kumirot ang puso ko. "Awww dapat nga ay hindi pa umalis itong si apple dahil alam natin na pagod na pagod siya sa trabaho niya." Boses iyon ni tita na mukhang katabi na ang anak niyang mas matulis pa sa demonyo ang sungay. Mukhang magkatabi ang mag-ina at tuwang tuwa na pinaglalaruan ako, Tulad nila ay nasisiyahan din ang mga kaibigan ni clarise at ng mommy niya. Tama nga pala ang kasabihan na "Birds with the same feathers flocks together." kaya lang Hindi sila mga ibon at hindi rin sila lumilipad. Ipinikit ko ang mga mata ko, Lumanghao ng sariwang hangin kahit na ang paligid ko ay napapalibutan ng mga polluted na tao. Calm down apple... Walang mangyayari kung papatulan mo sila, Tinuruan ka ng Mama mo na rumespeto sa mas matanda. Idinilat ko ang mga mata ko at nakangiting tinignan si Tita na mukhang nagulat sa Inasta ko. "Hala salamat po tita! Masaya ako na concern kayo sa akin, Hayaan niyo po at dadalhan ko rin kayo ng mga gulay sa bukid para naman maiwas kayo sa mga unhealthy foods." Wika ko sa ginang na wala ng nagawa kundi ang mapairap na lamang. At dahil hindi ako nalalayo sa pwesto nila ay napansin ko ang pasimpleng pagbulong ni tita sa anak niya. God...hindi maganda ang pakiramdam ko dito, Kailangan ko na talagang umalis! "Aalis na po ako, Salamat po sa pagkain!" Masaya kong asik at akmang lalakad na paalis ng bigla na lamang may humablot sa braso ko at... Hindi ko inaasahan ang biglaang paghablot ng kung sino sa likod ng dress ko. Malakas ang pwersang binigay nito dahilan upang makarinig ako ng pagkawarak sa damit na suot suot ko. "Oppps sorry, Hindi ko sinasadya!" Hinging paumanhin ni clarise pero bakas sa boses niya ang pagiging sarkastiko at ang pang-aasar. Bakit ba kay tigas ng ulo ng babaeng ito?! Ako na nga ang umiiwas sa gulo pero heto at siya pa ang lumalapit?! Tadyakan ko na lang kaya ang pagmumukha ng mag-inang ito para matigil sila? "Kung gusto mong makulong sige lang..." bulong sa akin ng konsensya ko kaya imbea na patulan pa ang dalawang bruhilda ay binitawan ko na lamang ang Isang plastic ng Tupperware atsaka ako napayakap sa sarili ko upang hindi mahulog ang dress na sa tingin ko ay nasira dahil sa mala ogre na kamay ni clarise. Mukhang prinsesa pero daig pa ang bakulaw sa lakas, Masasaktan ang mga ogre kung ikukumpara ko ang ugali ng mag-ina sakanilang dalawa. Puno ng panumumbat kong pinakatitigan si Tita bago ko pinasadahan ng tingin ang lahat ng nandirito sa lugar na ito. "Mayayaman..." puno ng pandidiri kong bulong bago ako naiiling na lumakad palayo. I can hear their laughters... Nabibingi ako sa mga halakhak nila, Umiikot ang paningin ko dahil sa lakaa ng musika at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sakit na nanggagaling sa puso ko. It's unfair isn't it? It's always unfair and Unbalance when it comes to everyone's life. Sobrang sakit lang na dahil sa pagiging mahirap mo ay napapahiya ka at nasasaktan ng ganito. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at hindi alintana ang nanguuyam na tingin ng mga mayayamang tao na nasasalubong ko. I can't clearly see their reactions but I can feel it...they're making fun of my situation. Isa nga pala talaga akong clown. Hindi na ako nakapagpigil pa...hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko habang puno ng pagnanais na naglalakad paalis sa kasumpa sumpang lupain ng mag-inang ogre! Wala na akong pakialam pa sa mukha ko o sa make up na pinaghirapang ilagay ni red sa mga mata ko. Mapipigilan ko ba itong mga luhang to?! Hindi kaya walang point kung magkukunwari akong hindi naiiyak at dahil may hiya ako kaya mas biniliasan ko ang paglalakad na sana ay hindi ko na ginawa... Sa sobrang labo ng paningin ko at pagmamadali ay bumangga ako sa kung sino, Sobrang tigas at tibay nito kaya ay napaatraa ako at akmang mawawalan ng balanse ng biglaang may humablot sa kamay ko. So-Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa nanlalamig kong kamay... Pero hindi iyon ang ikinatigil ko, Sa hindi ko malamang dahilan ay mas lalong lumamig ang paligid at kasabay niyon ay ang biglaang paglalakbay ng mahinang kuryente sa buong braso ko. I instantly pulled my hands and with wide eyes I look upon the god standing in front of me... Napasinghap ako at napaatras ng masaksihan ang lalaking seryosong nakatitig sa akin. Ang mga mata niya ang unang nakaagaw ng pansin ko... Natatakot ako, Kinikilabutan dahil sa mga matang titig na titig sa akin ngayon. His eyes...they're lifeless and black, Though it's really amber! He's beautiful but I don't have time for this, Kailangan ko ng umalis pa sa lugar na ito! Dahil sa sobrang pagkataranta ay namali ako ng tapak kaya naman naramdaman ko ang paghiwalay ng takong ko sa suot kong sandals. Urgh bakit ba napakamalas ko ngayong araw? "Diyan ka na!" Inis kong singhal sa sandals atsaka ito hinubad, Muli kong tinapunan ng tingin ang lalaking wala man lang yatang balak na gumalaw sa kinatatayuan niya. Nakapahinga ang isang kamay niya sa bulsa ng itim niyang pants at dahil sa pagbunggo ko sa kaniya kanina ay bahagyang nagusot ang kulay itim niyang tuxedo na mas mahal pa yata sa buhay ko. Nahihiya kong nginitian ang lalaki na tila pader na nakaharang sa daraanan ko, Matangkad siya at kakatawan niya yung mga model sa magazine ni Ma'am! Hala, Baka model o artista itong nabangga ko? Kailangan ko na talagang umalis! "thank you!" Sigaw ko sa lalaki bago na pagdesisyonan na muling lumakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon niya ngunit hindi pa man ako nakakalagpas ay rinig ko na ang pinakawalan niyang mga salita. Mga salitang nagpanginig sa buong katawan ko, Yelo ba siya para manlamig ako ng ganito? Sa dalawang salitang pinakawalan niya na iyon...nagawa niyang pahintuin ang mga luhang kanina pa lumalabas sa pagod na pagod kong mga mata. "One nightstand."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD