Chapter 6 Apple "Tang pauwi naman na ako kaya wag ka ng mag-alala." Wika ko kay pa habang abala ako sa paglalakad pauwi sa apartment na tinitirhan ko. Gabi na kasi tapos nakalimutan kong wala na palang nagsasakay papunta dito sa lugar namin tuwing malalim na ang gabi, Hehehe napasarap kasi ang usapan kaya nagkalimutan na ng oras. "Mag-iingat ka diyan apple, Marami ng masasamang tao diyan!" Singhal pa ni Tatang sa akin bago iyon nasundan ng sunod sunod na pag-ubo. Pansin kong kanina pa siya umuubo? Wala naman siguro siyang sakit? Napatigil ako sa paglalakad ng nasa harap na ako ng gate ng apartment, Maliwanag naman dito dahil sa ilaw na nanggagaling sa poste ngunit dahil don ay masakit din sa tenga ang mga asong ayaw tumigil sa pagtahol. Hindi naman ako mumu para tahulan ng ganito ha

