"What the?" "s**t!" at biglang tumayo yung lalaki. Nagtakip naman ng katawan yung babae at hinarap kami nung lalake. "Magdamit ka nga Edge!" ang natatawa kong sabi. "May kwarto naman ah?" "Keeyo? Tang ina! Ikaw nga!" anito at bumaling sa babae. "Tara magbihis muna tayo." at pumasok sila sa kwarto. "Ano yon?" salubong ang kilay na tanong sa akin ni Brave kaya napangisi ako. "Si Edge,kaibigan ko. Tumulong sa akin nung humiwalay ako sa mga magulang ko." "Anong ginagawa nila?" "Ano ka ba?! Parang hindi mo alam iyon!" natatawa kong sabi at napangiti si Brave. "Inggit ako!" nakangisi pa din nyang sabi. "Ano ka ba?! Hindi ito ang oras para mainggit." sabi ko sabay sapak sa braso nya na ikinatawa nya. "Teka lang ah? Ihahatid ko lang ito." biglang sulpot ni Edge. Medyo nahiya ako dun sa b

