Tapos na ako maligo at hinihintay ko na lang din maligo si Brave. Nandito ako sa labas at iniisip ang mga sinabi ni Lemon kanina. Kung sila nga iyon,ibig sabihin ay hinahanap na nila ako,o baka naman nabanggit ni Lourd na nakita nya ako sa Batangas? Sa may Balayan? Pero imposible eh. Sapat na ba ang isang buwan na pagkawala ko para harapin na ulit sila? Hindi ba't parang napaka aga? Pero wala naman akong magagawa kung ang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan. Kailangan ko na lang maging handa at matapang. Naisip ko din naman kanina na hindi magandang tinatakbuhan at tinatakasan ang problema,dapat ay hinaharap ito. Pero hindi nyo naman ako masisisi ng mga panahon na iyon. "Tara na? Nasan si Lemon?" boses ni Brave sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya. Napalunok ako ng ilang beses

