Chapter Two:
~Adamson International Airport~
Winter's POV:
Ng nakalabas na kami sa eroplano ay pumunta agad kami Kung saan nakaparada Ang sasakyan na maghahatid sa Amin sa bahay.
Sa loob Ng sampung taon ay namuhay ako bilang isang normal na tao, na Hindi kabilang sa Montessori clan na parang walang nangyari sa mga araw na iyon.
Sina Mommy Helena at daddy Alfred Ang tumulong sa akin at nakiusap na ituring ko silang mga magulang na sya namang ikinatuwa ko. at sila Rin Ang nag alaga sa akin para makabawi ako Ng lakas sinanay nila ako kasama Ang nag iisa nilang anak na SI Kuya Lance sobrang bait nila sa akin at nakiusap sila na tawagin ko silang mommy at daddy lalong Lalo na SI Kuya Lance na gustong magkaroon Ng kapatid na babae.
Nalaman ko din na mayroon silang Mafia pangatlo sa pinakamalakas na Mafia sa buong mundo Ang Alam ko Ang Moon Mafia Ang pinakamalakas at rank one sa buong underworld at Ang pangalawa ay Ang Durchin Mafia at magkasangga Ang tatlong Ito at SI Kuya Lance Ang humahawak sa Mafia Nina mommy.
"Since we're here you'll attend in School" mabilis akong napalingon sa kanya at tinitigan sya ng maigi.
"s**t! Hime don't look at me like that!" natatarantang sabi nito sabay iwas ng tingin dahil nag iba Ang kulay Ng mata ko habang nakatitig sa kanya. I blink three times at nagbalik ulit sa pagiging kulay itim Ang mga mata ko.
Hindi ako makapaniwala..... seryoso ba sya sa sinabi nya? eh tapos na akong mag aral eh! pagmamaktol ko sa isip.
kainis!
" Don't worry, I'll send you to an interesting school."
napangisi nitong Sabi kaya napangiti narin ako.
Interesting stuffs makes me thrilled
"Be sure about that Lance or I'll kill you!"
pagbabanta ko sa kanya na tumawa Lang.
"Hahahaha ok. but first you should call me Kuya because I'm older than you."
"Psh.. I don't care!" asik ko dito.
"Nakakatampo kana ha! tinatawag mo Lang akong Kuya pag may kailangan ka." Sabi nito sabay pout.
"Pucha! nagpapa-cute pa Ang Gago!"
napailing nalang ako at nagsalita Ang sarap kasi nitong asarin eh!. "Psh... mukha Kang aso Kuya!" pang aasar ko dito mas Lalo pang Humana Ang nguso nito. "Ang sama mo!" Sabi nito sabay talikod sa akin .
napatawa nalang ako parang Hindi boss Kung umasta eh! sa akin Lang Naman ganyan iyan, natutuwa ako dahil tumayo syang Kuya ko Ito Ang matagal na pangarap namin Ni Autumn na magkaroon Ng kapatid na lalaki para may laging magtatangol sa Amin at mamahalin kami at palagi kaming ililigtas.
hindi namin nakilala Ang daddy namin Ni Autumn dahil lumaki kaming SI mommy Ang palaging kasama namin walang na-ikwento si mommy tungkol sa daddy namin dahil sa tuwing tinatanong namin sya Ni Autumn ay bigla nalang nalulungkot at nasasaktan SI mommy kapag binabanggit namin Ang tungkol sa Kay daddy kaya nananahimik nalang kaming dalawa at Hindi na nagtatanong pa.
napapikit ako ng maalala ko Ang huling sinabi Ni mommy.
" h-hanapin n-ninyo a-ang D-daddy n-ninyo."
"Hime? ayos ka lang?"
tumango lang ako sa tanong Ni Kuya Lance. naramdaman ko nalang na niyakap ako nito.
"Malakas Ang kutob ko na malapit na nating makita si Autumn para naman may isa na akong baby."
Sabi nito kaya mahina akong napatawa say sinabi nito.
" Tsk...masyado Kang obsessed na magkaroon Ng kapatid na babae kuya buti nalang pumayag akong maging kapatid mo."
naiiling Kong Sabi
"Psh....para mai-spoild ko kayong dalawa kaya excited akong mahanap na natin si Autumn." Sabi lang nito at ipinatong sa balikat ko Ang ulo nya.
~Autumn sana Makita Kita dito~ pipi Kong hiling.
****************************
Autumn's POV
Ng makalapag na ang eroplano ay mabilis kaming naglakad Ni Annika sa nakaparada na sasakyan na.pagmamay ari namin.
mabilis Kong kinuha Ang suwi Ng kotse ko sa Butler na nakaabang sa pagdating naming dalawa ng pinsan ko sabay sakay sa driver's seat habang Ang Butler ay sumakay sa kabilang kotse Ng makaupo na SI Annika sa front seat ay mabilis Kong pinaharurut Ang sasakyan.
"s**t! Ano kaba naman Autumn!" gulat at tarantang Sabi ni Annika sabay Dali daling nag suot Ng seat Belt.
Tsk.....Hindi pa nasanay.
"Saang School tayo papasok?" tanong ko
"Durchin Academy, mag d-dorm tayo doon." sagot nito. "Durchin Academy? it's school for gangsters and mafia's Annika! ano namang gagawin natin don?" takang tanong ko sa kanya.
"Maaaring may malaman tayo tungkol sa nangyari ten years ago at pwede pa natin silang maging Allie's, ayun sa research ko Ang Durchin Academy ay pagmamay-ari Ng second rank strongest Mafia sa buong mundo at maaaring Isa sa mga boss ang daddy mo" seryoso nitong Sabi
Hindi ko Alam pero.....nakaramdam ako Ng galit sa daddy namin Ni Winter...Wala sya para ipagtangol kami sa mga taong iyon! Wala sya Ng mga araw na kailangan namin sya! Kung Hindi lang sana sa pakiusap ni mommy na hanapin sya para 'daw' ma-protektahan kami. eh sa totoo Lang kaya Kong protektahan Ang sarili ko lalong Lalo na si Winter... ano pang silbi Kung anak kami Ng pinuno Ng Montessori clan Kung Hindi namin kayang protektahan Ang sarili namin! nagkataon Lang dati na mga Bata pa kami at hindi pa namin kayang makipaglaban ng p*****n sa mga taong iyon!
naramdaman kong biglang nagbago Ang kulay Ng mata ko, Ang kulay itim Kong mga mata ay naging scarlet red na ..... siguro dahil Ito sa nararamdaman Kong galit ngayon Lang. napahigpit Ang hawak ko sa steering wheel Ng kotse.
galit ang namamahay sa mga mata ko Wala akong ibang Makita kundi iyon lang.....
"s**t! watch out!"
bigla akong natauhan ng biglang sumigaw si Annika at malakas na inapakan ko ang brake Ng kotse Ng bigla nalang may isang matandang papatawid sa kabilang kanto.
"D*mn it! f*ck! " I hissed under my breath tsaka nagmamadaling lumabas Ng kotse kasabay SI Annika pero bago iyon ay kumurap-kurap muna ako para bumalik sa pagiging itim Ang mga mata ko.mahirap na Makita Ng mga taong ang kulay Ng mata ko at maisipan pa Ng mga kalaban na buhay pa ang anak ng pinunu Ng clan.
naramdaman Kong bumaba din Ang nakasunod na sasakyan na ang sakay ay ang Butler.
Lumapit kami Don sa matanda na napaupo na sa semento.
"Lola ayos Lang ba kayo?" natatarantang tanong Ni Annika habang hawak na Ang matanda at nakaluhod. "Lola? dadalhin ka po namin sa hospital! sorry po lola!" sininyasan ko Ang Butler na buhatin SI Lola at ipasok sa kotse pagkatapos ay pinaharurut ko na Ang kotse sa malapit na hospital habang hawak ni Annika Ang matanda na Nasa back seat.
............
"Ano bang nangyari sayo Autumn? tanong ni Annika. umiling Lang ako
"Hanapin mo ang pamilya ni lola butler Greg!" utos ko sa butler.
" Yes! master!" sagot nito bago umalis Ng kwarto. nandito kami sa private room pagkatapos ma check Ng doctor SI lola
. bago pa sumayad Ang kotse ko Kay Lola ay nahimatay na Ito dahil kulang sa Kain at mahina din Ang katawan nito Lalo pa't mainit kaya Ito nahimatay sa gitna Ng kalsada.
napangiwi ako....akala ko nasagasaan ko na si lola.
Shit! Hindi ko talaga mapapatawad Ang sarili ko pag nasaktan si lola dahil nagpadala ako sa galit ko ay may madadamay pang inosenting tao.
kailangan Kong mas kontrolin ang galit ko ...... napabuntong hininga nalang ako habang nandito sa sofa Ng private room kasama si Annika hinihintay naming magising si lola.
"What happened? tanong ni Annika habang nakaupo sa tabi ko pero Hindi ko Ito sinagot at pumikit nalang sabay sandal sa sofa.
" I saw it! you should know how to control your anger Autumn!" nagaalalang Sabi nya.
"I know!"
......minutes after....
"Ayos na po ba Ang pakiramdam nyo Lola?" nag aalalang tanong ko dito.
"Gusto nyo po bang kumain po muna? susubuan ko po kayo." Sabi Naman Ni Annika.
"Naku! mga Bata wag na! Kaya ko na Ang sarili ko kailangan ko Ng makauwi para sa Apo ko siguradong nag aalala na sa akin iyon sya pa Naman Ang mag Isa sa bahay namin!" Sabi nito at akmang babangon sa Kama Kaya mabilis namin itong pinigilan
"Wag po kayong mag-alala papunta na po dito Ang Apo nyo----" Hindi na natapos Ang sasabihin Ni Annika Ng bumukas Ang pintuan Ng kwarto at iniluwa non SI butler Greg kasama Ang pitong taong gulang na bata na may kupas na damit na suot at madungis din Ito pero hindi maitatago Ang gandang lalaki nito tapos may dimples din Ito at may maliit na mukha at kulay brown na mata.
"Lola!!!! ayos Lang po ba kayo? wag nyo po akong iwan ulit Lola.". patakbong Sabi nito sabay yakap sa lola nito.
"Ayos Lang ako Apo! atsaka pag Hindi ako umalis para maghanap ng trabaho Hindi tayo makakakain!" pahayag Ni lola nagkatinginan kami Ni Annika at lumapit sa mga Ito.
" Kami na po Ang bahala sa inyo Lola. wag na po kayong mag alala kami na po Ang bahala sa mga gastusin ninyo at pangangailangan ninyo araw araw." Sabi Ni Annika tumango ako at ngumiti sa mga Ito
"Naku! nakakahiya sa inyo dinala na nga ninyo ako dito sa pagamotan ay kayo pa Ang gagastos sa Amin. wag na mga Bata." umiling iling na Sabi nito
"Hindi po tutulungan po namin kayo sa ayaw at sa gusto ninyo." Sabi ko "Pero----" mabilis na pinutol Ni Annika ang sasabihin ni Lola at nagsalita para Hindi na Ito makatangi pa. " Wala na pong pero-pero lola kami na pong bahala sa lahat!"
" S-salamat sa inyo." mangiyak ngiyak na pahayag Ni lola " S-salamat p-po m-mga ate! malaking tulong na po ibinigay ninyo sa amin Ni lola at para nadin Hindi na sya maghahanap ng trabaho para makakain po kaming dalawa! maraming salamat po! " Sabi Ng batang Ang pangalan ay Bryan.tumango Lang kami atsaka ako nagtanong sa Bata.
"Gusto mo bang mag-aral Bryan?" tanong ko dito. "Gustong-gusto ko po pero Wala kaming Pera Ni lola." malungkot nitong sabi, lumapit ako dito at hinaplos Ang pisngi nito.
"Ako Ng bahala sa lahat wag Kang mag alala Basta ipangako mong mag aaral ka Ng maayos ok ba yon?" malambing Kong Sabi, nagliwanag Naman Ang mukaha nito sa sobrang saya at nagpasalamat sa Amin.
Ng makauwi na kami sa bahay umakyat agad kami sa hagdan papunta sa kwarto namin para magpahinga na natutuwa ako sa mag lolang iyon na ngayon ay inaasikaso na Ni butler Greg. napabuntong hininga nalang ulit ako.
Winter sana Makita na Kita.
" Ngayong lunes na ang pasok natin.". Sabi Ni Annika.
so we only have one day para magpahinga at makapaghanda sa pagpasok sa bagong school.
Lance POV:
tinitigan ko Ang natutulog Kong kapatid pagkadating namin sa bahay ay agad itong natulog dahil sa pagod.
humiga ako sa tabi nya at nagsalita.
"Good night sis. I promise that I will protect you from those demons. and I promise that hahanapin ko SI Autumn para sayo at sabay ko kayong p-protektahan sa mga mga gustong manakit sa inyo!"
Sabi ko at pumikit na para matulog.