~Winter's Point of view~
Nandito pa kami sa loob ng kwarto ko habang nasa labas yung Death gang binabantayan ang dalawang babaeng nasa kwarto ni Autumn nakahimlay.
Kumuha ng first aid kit si Annika na kinuha din ni Autumn mula dito at nagsimula ng nilinis ang kanyang konting sugat sa tuhod.
" Ayan kasi! bakit ka ba kasi tatanga-tanga! nagkasugat ka tuloy!" sermon ni Annika, mabilis namang tumingin dito si Autumn at sinamaan ng tingin habang kulay crimson red ang mga mata.
Bigla namang nanginig si Annika at tumalikod sabay lakad papunta sa pintuan.
Tsk....what a beautiful b***h!
" Magluluto lang muna ako ng makakain natin!" sabi nya sabay labas sa kwarto.
narinig ko pang nagtanong si Jace.
" Bakit ang tagal nyong buksan ang pinto?"
" Tss...kasi naglaro kami ng Escape and kill!" rinig ko pang sagot ni Annika dito.
" Damn!" mura ni Jace at pumasok dito sa kwarto.
" Anong nangyari sayo Autumn? bakit may sugat ka?" tanong nito atsaka tumingin sa gawi ko, mabilis ko namang itinago ang kanan kong palapulsuhan dahil nagkukulay violet na ito.
Bwisit! talaga ang mga tauhan ng Bustamante na iyon. pahamak!
Mabilis naman itong lumapit sa akin at kinuha ang kamay kong nakatago sa likod ko
at tiningnan ito. Umasim naman ang timpla ng mukha nya sa nakita.
" Bakit may pasa ka sa kamay mo Winter? at bakit mayroon ka ring sugat sa tuhod Autumn?" tanong nya sa aming dalawa.
Nag iwas kami ng tingin na dalawa sa kanya, ayaw naming magsalita narinig naman namin itong bumuntong hininga at nagsalita ulit.
" Sinong pinuntahan nyo?" mahinahon nyang tanong sa amin. napatingin naman sa akin si Autumn.
" Wala!" sabay na sagot naming dalawa na syang nag pataas ng kilay nya habang seryosong nakatingin sa aming dalawa.
" Wala? talaga? tss....Sino nga?" pilit ulit nitong tanong.
" Wala nga eh! kulit nito!" inis kong sabi.
" Winter! mas matanda ako sayo ng isang taon! sasabihin nyo sa akin kung saan kayo galing or Lance will know na tinakasan nyo akong dalawa!" mahaba nyang sabi kaya tiningnan ko sya ng masama.
" Come on tell me. saan nga kayo galing?" pangungulit ulit nito.
" Psh.....you wouldn't know!" sabi ni Autumn at naglakad na palabas ng room.
" See? mag kambal nga kayong dalawa matigas ang ulo! tsk...I have my own way para malaman ko kung saan kayo galing!" sabi nya at naglakad nalang ulit palabas kaya sumunod na din ako.
~Levi's Point of view~
Napatingin kami sa isang pang kwarto ng bumukas ito at lumabas si Annika na tinanong agad ni Jace kung bakit 'daw' ang tagal nilang buksan ang pinto.
" Tss....kasi naglaro kami ng Escape and kill!" sagot ni Annika sa tanong ni Jace na nagmura pa bago nagmamadaling pumasok sa kwarto.
" Escape and kill? ano yun? bakit parang may laman?" takang sabi ni Evan.
Escape and kill? kaya ba nagbabantay si Jace sa may pintuan kanina kasi alam nyang may gagawin ang tatlo?
" Psh..." sabi ni Dwight.
Napatingin kami sa kwarto ni Winter ng bumukas ito at lumabas si Autumn kasunod si Jace na hindi maipinta ang mukha at kasunod nya si Winter.
Tahimik lang kaming lahat dito sa sala hanggang sa nagsalita si Winter.
" Kailan dadating si Lance?"
" Siguro bukas....." Jace.
" Who's Lance again?" .napataas ang kilay ko sa tanong ni Autumn.
Kuya nya hindi nya kilala? weird woman....
" Lance is your brother." sagot ni Jace
" tsk..ok!"
" Guys! luto na ang pagkain kayo nalang ang hinihintay!"
Napatingin kami kay Annika ng bigla itong sumigaw na parang ang layo namin sa kanya ...tss....maingay!
Tumayo na kami at nagpunta na sa hapag kainan habang tahimik kaming kumakain.
" By the way...may lason yang pagkain!" biglang sabi ni Annika kaya nabitawan naming mga lalaki ang kutsara't tinidor at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
" Psh....walang lason yan!" sabi ni Autumn at tiningnan ng masama si Annika.
" Umayos ka Annika....hindi nakakatuwa!" seryosong sabi ni Autumn kay Annika na napangiwi lang.
" Sorry!" sabi nito pero halata namang hindi sincere.
Ang sarap gilitan ng leeg ang babaeng ito!"
********
Isang linggo ang nakalipas at ayos na ang dalawa at nakabawi din sila ng lakas.
Nandito kami ngayon sa headquarters namin at nanonood sa naglalaban laban sa hallway ang grupo ng Scorpion at ang grupo ng Serpent ang dalawang yan ay nag aaway sa rank two gustong pabagsakin ng Serpent gang sa pagiging rank two ang scorpion gang para sila ang maging rank two at makuha ang underlings ng scorpion para mas maging malakas ang grupo nila.
" Tsk...madaya ang mga gago!" sabi ni Kiel habang may hawak na popcorn. ang baliw talaga ng isang 'to.
" Tsk.....maganda nga yan eh! puro madaya kaya nagdadayaan sila sa isat Isa!" sabi din ni Evan.
Napatingin kami sa pinto ng bigla nalang itong bumalibag at pumasok ang dalawang Flower na hinihingal.
saan ba galing ang dalawang 'to? parang hinabol ng sampong libong kalabaw.
" Kuya help!" hinihingal na sabi ni Blynne sa kay Dwight.
" What happened?" nag aalalang tanong ni Dwight sa kapatid.
" Kasi......hinahabol kami ng tatlong demonyo eh! Kaya please tul------" naputol ang sasabihin sana ni Andrea ng bigla nalang may sumipa sa pintuan namin at nag kanda wasak wasak na ito.
" What the hell!" sigaw ni Kiel..
" Damn! bakit nyo sinira ang pintuan namin!" sigaw ko sa tatlong babaeng pumasok na dito sa HQ namin habang yung dalawa ay dali daling nagtago sa likod ni Dwight.
" Hey my princesses! how are you?" baliwalang tanong ni Jace sa mga pinsan nya na hindi sya sinagot.
" Tangina! yung card namin! bakit nyo nilagyan ng leader symbol nyo! bwisit ang usapan natin ay member lang kami hindi leader!" malakas na sigaw ni Annika kaya napatingin kami sa dalawang nagtatago sa likod ni Dwight na ngumiti lang.
" Come on Annika apat na grupo lang ng mga underlings namin ang makakalaban nyo! atsaka kaya nyo naman silang pabagsakin kasi malalakas kayo." Sabi ni Andrea.
" Is that so? bakit hindi kayong dalawa ang humarap sa aming tatlo?" hamon ni Annika.
" Naah! our underlings will fight you guys kung karapat dapat ba talaga kayo sa posisyon bilang leader." sabi ni Blynne.
" Psh......what a nonsense! I won't fight!" matigas na sabi ni Annika.
" You don't have any other choice but to fight with our underlings to be in a group" sabi ni Andrea.
" We don't want to be a leader.....but we will fight your dogs to be in a group!" sabi ni Autumn.
" We can't erase the leader symbol in your cards." Andrea na nakangiti.
" b***h! it's your fault!" inis na sabi ni Annika at tiningnan ang kambal at nagsalita ulit.
" Ayaw ko nito sakit lang sa ulo ang leader whatsoever na yan!"
" Leader huh? let's see!" sabi ni Winter at tumalikod na.
" Fighting hall we'll wait!" pagpapatuloy pa nito.
~ Annika's Point of view~
Nandito kami sa fighting hall kaharap ang dalawang daang gangsters na membro ng apat na leaders na underlings ng flower gang.
" Tsk....pasa ang labas natin nito!" nakangiwi kong sabi sa kambal na nakatingin sa mga kaharap namin isang daan ang may hawak na mga baseball bat at iba iba pang mga weapons laban sa amin at yung natitira namang isang daan ay wala itong mga dala pero sigurado akong may nakatago na mga patalim ang mga 'to.
" Sino kaya ang unang aataki? yung may mga hawak o yung Wala?"
" Ang dami ng kalaban Kaya Kaya nilang pabagsakin ang mga iyan?"
" It's three V.s two hundred? talo ang tatlong yan!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi sa isa sa mga bubuyog na nagbubulungan.
Bwisit! eh kung mukha nya pasabugin ko?
Nilingon ko ito at itinuro....isang lalaking may kulay mais na buhok nakaupo sa isa sa mataas na bench dito sa fighting hall kasama ang mga barkada nya.
" Anong pangalan mo?" malakas kong tanong sa kanya. Natahimik naman ang mga tao sa paligid at nakitingin sa mga tinitingnan ko.
" Ako ba?" maang na tanong nito habang nakaturo sa sarili.
I mentally rolled my eyes.....ang baliw lang sya ang itinuro ko mag tatanong pa...
" Malamang ikaw! ikaw ang tiningnan ko eh! hindi yang katabi mo!" sigaw ko....kainis lang ha! mainit ulo ko sa dalawang babaeng yun sasali pa ang mais na 'to?.
~ Author's Point of view~
" Sa loob ng labinglimang minuto---" sabi ni Annika at itinuro ang unang batch na makakalaban nilang tatlo.
" kapag napabagsak namin ang unang batch na kalaban namin.....ikaw at ang mga kaibigan mo ay magiging alipin namin! Ano? Deal?"
malakas na napasinghap ang mga estudyante sa loob ng fighting hall dahil sa sinabi ni Annika at nag simulang mag bulong bulungan.
" Ang yabang! hindi ba nya kilala ang sinabihan nyang magiging alipin nila?"
" Grabeh! Serpent gang? magiging alipin pag napabagsak ng tatlo ang unang batch sa loob lang ng sampong minuto? unbelievable!"
" Tsk....tingnan natin kung hanggang saan ang yabang ng tatlong iyan!"
" Pag kayo naman ang natalo.....ang silver card nyo ay mag kakaroon ng royal symbol namin. Ano? Deal?"
Sabi ng leader ng Serpent gang habang nakatingin sa tatlong babaeng nasa gitna ng fighting hall na ngayon ay wala na ang ring.
" Hala! gusto din ng Serpent gang na maging royal ang transferee's?"
" Ang swerte pinag aagawan ng dalawang malalakas na gang!"
" Serpent gang V.s Scorpion Gang yan!"
sabi ng ilan sa mga estudyante...
" It's fine with me! ang usapan ay usapan." sabi ni Annika na nakangiti tsaka bumaling sa dalawa.
" Ok yun diba?" sabi ulit ni Annika sa dalawa.
" Psh.... masyado kang pasaway!" sabi ni Autumn at humarap sa kalaban.
" Blynne......nasa inyo pa ba ang silver card nila?" tanong ni Jace kay Blynne na umiling lang.
" Kinuha nila agad eh.....at hinabol kami ng makita ang inilagay namin sa ibabaw ng silver card nila." sagot nito.
Sumenyas si Blynne sa mga underlings nya na mag sisimula na ang laban.
Mabilis na naging alerto ang tatlo ng unang sumugod ang limampong gangster na may dalang baseball bat at kung ano ano pa.
" Akala ko yung mga walang weapons ang unang susugod." sabi ni Annika.
Mabilis na umiwas ang tatlo sa hampas ng mga kalaban gamit ang baseball bat at pinagbibigyan nila ito ng malalakas na sipa sa mukha, sa sikmura at sa kung saan saang parti ng katawan.
Sinalo ni Autumn ang kanang kamay ng lalaking kaharap at sabay nya itong pinatamaan sa mukha gamit ang siko nya sabay sipa sa lalaking papasugod sa kanya.
Malakas na sinipa ni Annika ang mukha ng lalaking kaharap at at binigyan ng round kick ang isa pang lalaking nasa gilid nya.
Sinuntok ni Winter ng malakas ang dibdib ng kaharap at sabay sipa sa sikmura ang isa pang lalaki.
Sinangga ni Autumn ang lalaking hahampasin sana sya ng bat at binigyan nya ito ng suntok sa sikmura.
Mabilisan ang ginawang pagkilos ng tatlo hanggang sa ilan nalang ang kaharap nila at patuloy parin sa pagtakbo ang oras.
" Malapit na ang oras!"
" Damn!" mura ni Jace habang nakatingin sa relo.....
Sinalo ni Winter ang kamay ng lalaking kaharap na sasaksakin sana sya sa tyan at ipinilipit nya ito hanggang sa mabitawan ng lalaki ang patalim at tinuhod nya ito sabay pilipit sa kamay nito at patulak na binitawan at binigyan nya ng isang malakas na sipa ang taong nasa likod niya.
Mabilis na pinulot ni Annika ang bat at inihampas sa ulo ng lalaki sabay hampas sa isa pa, isinaksak ni Autumn ang isang patalim sa paa ng lalaking kaharap tapos saksak ulit sa tagiliran hanggang braso ng lalaki sabay sipa dito.
Hinihingal na napatigil ang tatlo na kasabay non ay ang pagka ubos ng sampong minuto at pagka ubos ng mga kalaban nila.
" Woah! sakto lang ang oras!"
" Ang galing!"
" Paano ba yan mais.....panalo kami!" nakangising sabi ni Annika habang nakatingin sa isang membro ng Serpent gang.
" Ok. we'll be your servant madame..." sagot ng taong tinatawg ni Annika ng mais.
" Hindi pa tapos ang laban! kaya maghanda na kayo!" sabi ng leader ng Serpent.
Mabilis na tumayo ang tatlo at hinarap ang mga natitira pang kalaban na papasugod sa kanila.
Sinipa ni Winter ang unang lalaking kaharap at sinipa at sinuntok din ni Autumn ang kaharap.
" Should i use my eyes? ang sakit na ng katawan ko sa mga suntok at sipa na nakukuha ko sa mga bwisit na yan!" hindi maipinta ang mukhang sabi ni Annika.
" It isn't fair Annika.... hindi sila katulad ng taong kalaban natin sa clan.use your own strength." sagot ni Autumn dito.
Mabilis na iniwasan ni Autumn ang sumugod sa kanyang may dalang patalim ngunit nadaplisan sya sa balikat at binigyan nya ng malakas na suntok ang tagiliran ng kaharap..
Sipa, suntok at iwas ang iginawad ng tatlo sa mga kalaban at hindi din maiwasang madaplisan at tamaan sa mga ataki ng mga kalaban.
Hanggang sa napabagsak ng tatlo ang mga kalaban at hinihingal silang napaupo sa sahig, ang mga kalaban naman ay puro nakahimlay sa malamig na semento.
**********
*********