~ Annika's Point of view~
Inilibot ko Ang buong paningin sa fighting hall na sinasabi nung leader ng Death Kung saan dito gaganapin ang Laban ng Flower gang at ng R.Gang, malaki ang espasyo Ng buong lugar may malaking ring sa gitna na parang sa boxing ang lugar katabi ng fighting hall na ito ay ang malaking basketball court, marami-rami narin ang nandito sa hall para manood sa Laban Ng dalawang grupo.
" Sa tingin mo Autumn? Sino Ang mananalo sa kanila?" tanong ko dito sa katabi ko na katabi sa kabila si Winter.
" Tss....it doesn't matter!" kibit balikat lang nitong sabi habang nakatingin sa gitna Ng hall.
" tatlo Yung kabila dalawa Naman Ang flower....bakit parang unfair?" Sabi ko, bawal kasing humingi Ng tulong sa mga kasama mo... leaders vs. leaders lang Ang laban na magaganap.
" Wala Yan sa rami ng kasama mo o Ng kalaban mo, Kung Hindi Nasa iyo Yan Kung paano ka dumiskarte para manalo......anong silbi Kung marami kayo Kung mahina Naman kayo puro! Sa gitna ng laban, Ang Laban Ang syang mag di-disesyon kung Sino Ang mananalo sa dalawang grupo, utak at isip Ang gamitin sa pakikipaglaban Kung Alam mo namang tuso Ang kalaban mo!" mahabang sabi Ni Winter.
. Wow! straight tagalog Yun ah!
Tumayo ako at hinarap Ang mag kambal na nagtatakang napatingin sa akin, Nasa gitna na kasi Ang dalawang grupo naghahanda na, hinihintay nalang Ang hudyat ng emcee.
"Hmm...Kung ganon, sa Kung Sino sa dalawang grupo na iyan ang mananalo-----" Sabi ko sabay turo sa gitna ng hall kung saan nandoon ang maglalaban laban.
" Ay syang grupong sasalihan natin.....Ano? Deal?" nakataas kilay na Sabi ko.
" hala! narinig nyo Yun? Kung sino ang mananalo sa Laban Ng R.gang at Flower ay Yun ang sasalihan ng transferee's?"
" Nice! mga pare pustahan tayo Kung Sino Ang mananalo sa dalawang grupo!"
" Sigurado akong Ang Flower Ang mananalo!"
"Ang R gang Ang mananalo!"
" Tss...deal!" sabay na sagot ng dalawa.
Kaya napangiti ako at tumingin sa gitna Ng ring, malapit Lang kami sa kanila at nag thumbs-up ako sa kanila habang may ngiti parin......
hmm...Sino Kaya sa inyo Ang mananalo?
" Galingan nyo ha! " Sabi kung naka thumbs up pa
" Tss....bakit Hindi pa tayo mag simula referee....at tingnan Kung Sino Ang mananalo sa Laban na Ito!" mayabang na sabi Ni Rani.....
Tss....aba mayabang!
" Sige! bakit Hindi natin simulan Ang laro ngayon din! masyado Kang mayabang Rani siguraduhin mo Lang na mananalo ka sa Amin!" kalmadong sabi ni Andrea.
" Pipi ba yang SI Blynne? hindi nagsasalita eh!" bulong ko sa Kay Autumn at umupo sa tabi nya.
" Psh...lahat nalang bang makikita mong tahimik na tao Annika pipi agad!?" malamig na sabi Ni Autumn.
" Hehehe......Kasi Naman!"
" Alam mo bang Ang tahimik na tao ay dilikado?.....Kasi Hindi mo Alam Kung ano Ang tumatakbo sa isipan nila.....they might kill you in an instant Ng Hindi mo namamalayan. Silent means death, a silent killer." Sabi naman ni Winter
Napangiwi ako sa sinabi nya at napatitig Kay Blynne na ngayon ay nagsimula Ng kumilos Laban sa kabilang grupo.
" Hindi ba pwedeng...silent means yes?" Sabi ko.
... she's so serious and calm....basahin ko kaya sya?...
" Aray! Autumn ano ba! masakit Yun ah!" nakasimangot Kong sabi,
grabi...Ang lakas mamalo eh! Ang sakit Ng braso ko.
" tss...stop doing that! or mapapahamak tayo !" Sabi nya
" there's someone around... so yeah don't use it!" Sabi din Ni Winter.....mabilis Kong inilibot Ang buong pangin sa paligid Ng hall, napangisi ako Ng may isang lalaking nakaitim na Nasa kabila at nakatingin sa ring....hmm sino Kaya sila halata namang Hindi mga estudyante dito sa school
What an asshole! nag maman man na nga halata pa....bobo din Ang isang 'to eh!.
Mabilis akong tumingin sa gitna Ng ring, malakas na sinipa ni Blynne si Rin habang hawak parin sya ni Rica sa mga kamay patalikod. mablakas namang sinuntok ni Andrea si Rani sa sikmura pagkatapos ay sinugod din SI Rica ng sipa sa tagiliran na mukhang Hindi pa nakakabawi sa sipa ni Blynne.
" Flower Gang Ang mananalo! at ako Ang panalo sa pustahan natin!"
" Ang yabang mo! eh Hindi pa tapos Ang Laban gago!"
" Sa loob ng ilang minuto tumba na yang R. Gang!"
tsk....nga naman, advantage na agad sa flower......sampong minuto Ang inilaan para talonin Ang kalaban
"sa Amin mapupunta ang transferee's!" Rin, sabay tuhod Kay Blynne na mabilis din umikot at pinagpalit Ang posesyon nilang dalawa.
" Masyado ka naman yatang mayabang!" Blynne, at binitawan si Rin na masamang nakatingin sa kanya.
"Woah! " gulat Kung sabi Ng kumuha si Rin Ng isang dagger.
" Nagsisimula na ang totoong madugong laban." Sabi ni Autumn dahil naglabas din ng whip si Rani at Isa namang Swiss knife Ang inilabas ni Rica habang Yung dalawang leader ng Flower ay kalmado Lang na nakatingin sa tatlong kalaban na Nasa harapan.
" Uhmm....hindi ba kukuha Ng weapon ang flower?" taka Kung tanong dahil Hindi manlang kumilos ang dalawa at kalmado lang na nakatingin sa tatlo nagkibit balikat lang si Autumn.
" Panoorin natin ang laban.......mukhang walang alam Ang tatlo sa Kung anong meron sa hawak nilang weapon." sabi din ni Winter.
yeah! I smell some poison on their weapon....a paralize poison to be exact na kung tamaan ka man nito ay Hindi mo maigagalaw Ang Kung saang parte Ng katawan mong natamaan nito at unti unti ding gagapang ang lason sa katawan mo hanggang sa hindi kana makahinga Ang lason na iyan ay pa unti unting papatayin ang mga organs sa katawan mo hanggang sa hindi na mag function Ang mga ito.
Tumayo ako Ng tumayo Rin Ang dalawa at naglakad sa pinakaunahan Kung saan nan doon Ang Death Gang.
umupo ako sa tabi ni Autumn habang katabi nya sa kabila si Winter na katabi din si Jace..tsk...
" Sino Ang nagbigay ng mga weapon na yan sa R. Gang?" bulong ni Winter kay Jace.
" Huh? bakit? yan ang laging gamit ng R Gang kapag may Laban sila." sagot nito sa tanong ni Winter.
" May problema ba?" tanong ni Jace
" May gagawin ba tayo?" bulong ko kay Autumn na tahimik lang na nagmamasid sa paligid.
Itinoon ko ang buong atensyon sa naglalaban sa harapan.
Mabilis na nakailag si Blynne sa Swiss knife ni Rica at sabay din hawak sa kamay nito at suntok sa mukha ang ibinigay nya sa Kay Rica habang si Andrea naman ay umiiwas sa ataki ni Rin at nasa gilid lang si Rani habang pinaglalaruan ang hawak na whip.
Damn! tatlong tao na Ang nagmamasid sa magkabilaang side ng hall......sila ba? sila ba ang nag lagay ng paralize poison sa weapon ng R. gang?
~Autumn's Point of view~
Napatingin ako sa ring ng mabilis na nasalo ni Andrea ang dulo ng whip ni Rani dahilan para masugatan si Andrea sa kamay habang si Blynne naman ay nasugatan din sa braso.
" Annika get them!" Sabi ko ng papatakas na Ang tatlo sa pwesto nila.
" Ako ng bahala!" sagot ni Annika sabay tayo at umalis sa kinauupuan nya.
Mabilis na hinila ni Andrea Ang dulo ng whip at nasabay si Rani sa pag hila nya at malakas nya itong sinuntok sa sikmura dahilan para mapaubo ng dugo si Rani at namimilipit sa sakit na napaupo sa sahig ng ring.mabilis din na sinipa ni Andrea Ang kamay ni Rica na may hawak na Swiss knife ng mabitawan ni Rica ay malakas din na sinipa ni Andrea sa mukha si Rica na syang nagpatulog nito habang si Blynne Naman ay hinampas Ang batok ni Rani.
mukhang naramdaman ng dalawa na hindi na nila maigalaw Ang braso at kamay nila at Isa pa namumutla na silang dalawa.
"Woah! Tama ako diba? panalo na naman ang flower !"
" Panalo Ang Flower gang sa R.Gang!" Sabi Ng referee
" Ang lakas talaga ng flower !"
" Kahit hindi gumamit ng weapon kayang patumbahin Ang kalaban!"
"Ang galing talaga nila sa hand to hand combat!"
Sabay din na bumagsak sa sahig Sina Blynne at Andrea na putlang putla at halatang nahihirapan na din Ang mga Ito na huminga, mabilis akong lumapit sa kanila kasunod si Winter.
" Hey! Kaya nyo bang tumayo?" tanong ko sa dalawa
" Anong--- Hindi ko maigalaw Ang braso ko at nahihirapan narin akong huminga!" Sabi Ni Blynne
" A-ako din....nanlalabo Ang paningin ko !" papikit pikit na Sabi Ni Andrea
" s**t!" Jace !" sigaw Ng kambal ko
" What the heck! anong nangyayari?" tanong ni Jace Ng makalapit na sya sa amin kasunod Ang ka gang mates nya
"Andrea? what happened?" Tanong Ni Evan
" Blynne? s**t what happened to my sister?" malamig na tanong Ni Dwight na may pag aalala sa boses nito.
Somehow....I longed for a brotherly love....Kung ano kayang feeling kapag may kapatid Kang lalaki....
" may lason ang mga weapon na hawak ng R. gang!" mahinahon na Sabi ng kapatid ko
" What? are you f*****g serious?" sigaw ni Dwight.
" Don't you f*****g shout at me! you asshole!" malamig na sagot Ng kapatid ko sa kanya
"What? are you--" mabilis na pinutol ni Winter Ang iba pang sasabihin sana ni Dwight.
" Bring them to our dorm!" Sabi ni Winter sabay tayo
" Bakit sa dorm nyo?" takang tanong ni Kiel
" Tss...bakit hindi nyo nalang kargahin Ang dalawang yan papunta sa dorm namin o hahayaan nating mamatay Ang dalawang yan dito?" Sabi ko
" We'll bring them to your dorm and explain there." Sabi ni Jace
tumango nalang ako and lead them to our dorm.
puntirya talaga Ng mga taong yun Ang dalawa.....ano kayang atraso ng dalawang to...at sino Naman Ang tatlong nagmamasid kanina....
*************