Chapter 6: Almond Roachie

2017 Words
"So, paano niyan, Ate? Talo ka sa pustahan. Sa akin na ang condo unit mo sa U-Belt?" panunuya ni Delilah sa nakatatandang kapatid na si Barbarella habang nagkakagulo si Spartan at ipis sa loob ng banyo. Dinig mula sa loob ang mga kalampag at hiyaw na dinaig pa ang mga napo-possess ng masasamang espiritu. "Tsk! Beki pala talaga ang bruha!" dismayadong pahayag na lang nito. Ibinalik na niya sa nakababata ang susi ng mamahaling kotse na akala niya ay mapapasakanya na. "Sige, bukas kunin mo sa akin 'yun susi at titolo!" Padabog na lumabas na ng silid si Barbarella nang dahil sa pagkadismayang hindi pala boyfriend material si Spartan at natalo pa sa pustahan. "Napeke ako! Talagang kapag gwapo yata, gwapo rin ang hanap!" may panghihinayang na napagtanto na lang niya. "Layuan mo ako!" pagmamakaawa ni Spartan sa loob ng banyo. "Shoo! Don't touch me!" "Huwag po! Waaahhh!" Napahalakhak na lamang si Delilah nang dahil sa mga hiyaw ng kaawa-awang binata. Hahayaan na lang sana niya itong maresolba ang problema sa ipis nang mag-isa dahil sa tingin niya, kakayanin naman nito. Subalit, nag-alangan siyang iwanan ito sa silid nang mapansin na bigla itong nanahimik. Lumapit pa siya sa may pintuan ng banyo upang makiramdam ngunit tanging katahimikan lamang ang narinig. "Uy!" pagtawag niya kasabay ng mga katok. Kinabahan pa siya sa pag-aalalang baka nahimatay na ang lalaki o kaya naman ay na-heart attack pa nang dahil sa sobrang sindak. "Spartan!" Nang walang sumagot ay nagmamadaling kinuha na niya ang susi at binuksan ang kubeta. Naabutan niya ito na tulalang nakaupo sa may inodoro. Nakayakap pa ito sa sarili na para bang may malalim na iniisip. "OK ka lang ba?" may pagkabahalang natanong na niya. Nang marinig at makita siya, tuluyan nang nangilid ang luha sa mga mata nito na para bang pinagtakluban ng langit at lupa. Ilang sandali lang ay napaiyak na ito na parang bata. "Bakit?" pag-alala ni Delilah dahil siya rin ay ramdam ang sakit at pighati sa pinagdaraanan nito. Inakala pa niya na baka naalala nito ang pagtataboy ng magulang at masama nga talaga ang pakiramdam. Nakunsensya pa siya dahil hinayaan niyang makibaka ito sa insekto nang mag-isa. Pakiramdam tuloy niya ay napakasama niyang tao dahil nagawa pa niyang pagtawanan ang naging reaksyon nito. "Anong nangyari, bakit ka umiiyak?" Lumapit na siya at hinaplos ang ulo at likod ng kausap. Bilang ganti ay yumakap ito sa kanya habang patuloy sa paghikbi. Sa kakatangis ay napaubo pa ito pero hindi pa rin nakapagsalita. "Bakit? May masakit ba?" pang-aamo niya rito. "Kinagat ka ba ng ipis?" Parang paslit na nagmamaktol na umiling lang ito atsaka itinuro ang bibig. "May sore throat ka ba? 'Di bale, ipapa-checkup kita bukas na bukas din." Muli ay umiling ito at itinuro muli ang bibig. Nang hindi pa rin ma-gets ng dalaga, ngumanga na ito at ipinakita ang ngalangala. "Ack!" ang tanging lumabas sa bibig ni Spartan dahil may nakabarang hindi kaaya-aya roon. "Ay!" napasigaw na tuloy si Delilah nang sumilip mula sa lalamunan nito ang dalawang antenna na maliksing gumagalaw-galaw pa. Sa kakasigaw ni Spartan ay na-shoot pala sa bibig nito ang peste sa ngangalang inakala nitong kweba na may hidden treasure! "Eeew! Paano nakarating 'yan diyan?" napabulalas pa ng dalaga. Napatakip na lang siya ng bibig upang hindi na magpahalata sa kausap na nandidiri. Hinawakan na lang niya ito sa braso at inakay palabas ng banyo. Dahan-dahan niya itong pinaupo sa kama at kumuha sa refrigerator ng maiinom. "I-try mo kayang inumin 'yan. Mabilis ha, para malunok mo 'yun ipis," suhestiyon niya upang mawala na ang nakabara sa lalamunan nito. Iyon kasi ang pinakamainam na solusyong naisip niya upang matapos na ang problema ni Spartan. Nanlaki tuloy ang mga mata ng tinutulungan sa panukala niya at imbis na guminhawa ang pakiramdam, mas lalong napaiyak ito habang mabilis na umiiling. "Sige na, mada-digest mo rin naman 'yan. Hindi delikado," pangungumbinsi pa rin niya. "Bukas, mag-deworm at antibiotic ka na lang para sure na hindi ka ma-infect niyang ipis." "Ano bang nagawa kong kasalanan para malasin ng ganito?" tahimik na pagrereklamo ni Spartan habang humihikbi. "Kung kasalanan ang maging cute, hindi ko po sinasadya! Sorry na po!" "Sa ibang bansa nga, kinakain pa 'yan!" paniniguro pa nito sa kanya. "Lasang almonds pa nga raw kapag nilagay sa tinapay!" Nag-aalangan man, inabot na niya ang malamig na bote ng tubig. Batid niya na no choice naman na siya dahil ayaw ngang umalis ng insekto sa pinaglalagian nito kahit sungkitin pa niya gamit ng daliri. Panandalian muna niyang tinitigan ang bottled water pagkatapos naman ay ibinaling naman ang tingin sa dalaga na tila ba nanghihingi ng suporta at pampalakas ng loob. "Go! Go!" panghihikayat si Delilah kasabay ng pagkampay ng kanang kamay sa ere. "I-imagine mo na lang, almonds 'yan!" "Almonds..." pag-uulit niya gamit ang isipan. "Almonds...almonds..almonds..." Pigil ang hiningang nilagok niya ang tubig upang matanggal na ang napakasalbaheng ipis na nakakapit pa rin sa ngalangala. Nang maramdaman ang lamig, mas nanlaban ito kaya nakiliti pa ang binata nang gumalaw ang maliliit na paa nito sa loob. "Hihihi," paghagikgik pa niya habang mabilis na nilulunok ang ice water. "Burp!" napadighay na lang siya nang maubos ang isang litro ng malamig na tubig. Maging sa hangin na lumabas sa kanyang bibig ay lasap at amoy niya ang baho na nagmumula sa insekto kaya nangilabot pa siya. "Ano, wala na?" nakakunot ang noong pag-uusisa ni Delilah. "Parang buhay pa...sa tiyan ko...nagsu-swimming pa," habol ang hiningang tugon niya habang nakikiramdam at tinatapik-tapik ang tiyan. Maya't maya ay parang umikot ang sikmura niya kaya dali-dali siyang nagtungo sa kubeta upang magsuka. "Pfft! Pweh!" diring-diri na pagdura niya sa buhay na buhay pang ipis sa inodoro. "Pfft! Pfft!" "Success!" pagdiriwang ni Delilah. Akmang ipa-flush na sana niya ang inodoro pero mabilis din naman siyang pinigil ng binata. "Huwag, kawawa naman!" pag-awat nito. "Ano? Maaawa ka pa sa lagay niyan?" "Gusto lang naman daw niyang makipagkaibigan e!' "H-Ha? Nagkaintindihan kayo ng ipis?" hindi makapaniwalang napabulalas niya. "Hindi. Ginawan ko lang ng makapagbagbag-damdaming istorya! Hahaha!" Napailing na lang siya sa kakatwang sinabi nito. Walang pagdadalawang-isip na pinisil pa rin niya ang flush upang mawala na sa paningin ang kinaiinisang peste. "'Luh, bakit mo naman ginawa iyon?" may panghihinayang na sinabi nito habang pinagmamasdang lumalangoy ang insekto at pinipilit na umahon pa rin kahit malakas ang agos ng tubig. "Animal cruelty!" "Animal cruelty ka riyan! E muntik ka na ngang atakihin sa puso nang dahil diyan!" "Kawawa naman kasi..." "E 'di damputin mo!" sarkastikong panunuplada na ni Delilah sa kanya. "Dali, i-save mo at alagaan! Itabi mo pa sa pagtulog mo!" "Sabi ko nga, goodbye, ipis!" pagbawi rin naman niya kaagad sa pagbabalak na isalba pa sana ang insekto. "Na-deep throat ka na nga, makikisimpatya ka pa may roachie!" pang-aasar naman ni Delilah sa kamalasan ng binata. "Siguro, ang aligasgas sa lalamunan ng mga paa, yucky!" Medyo napasimangot si Spartan sa mapanuyang pagbibiro nito pero kaagad din naman na nawala ang pagkapikon niya nang inilahad na nito ang palad upang alalayan siyang tumayo. May pagkasuplada man kasi, mas nananaig ang caring side nito kaya natatabunan na ang ugali nito na may pagkasarkastiko. Isang ngiti lang na nagmula kay Delilah, kaagad na gumaan na ang pakiramdam niya at nakalimutan ang mga pagsusungit na natatanggap pa mula rito. "You're my hero!" pakurap-kurap ang mga matang deklarasyon niya kay Delilah kasabay ng pagyakap nang mahigpit. Sa sobrang tuwa ay nabuhat pa niya ito. Maligayang umikot-ikot pa siya sa kinatatayuan habang karga ang shookt na shookt na dalaga. "Ang lakas naman niya," tahimik na pagpuri niya rito. "Fafalicious talaga!" Namula pa ang pisngi niya nang maramdaman ang tigas ng muscles nito na nakadikit sa balingkinitan niyang katawan. Gusto pa sana niyang samantalahin ang pagkakataon na may kayakap na gwapong lalaki pero kaagad din naman siyang natauhan nang maalalang baka nga Barbie ito. "S-Sandali! Sandali, ibaba mo na ako!" nauutal na pagpapatigil na niya kay Spartan na tuwang-tuwang nakayapos pa rin sa kanya. "Nahihilo na ako! Amoy-ipis pa ang hininga mo!" pagrereklamo na niya upang maibaba na siya ulit sa sahig. "Amoy ipis ba?" Bumuga pa siya sa palad upang siguruhing tama nga ang sinasabi ng babaeng kinatutuwaan. "Tama ka, Besh, ang baho! Amoy imburnal na isang milenyo nang di nalilinis!" "Mag-toothbrush at gurgle ka ng Listerine, ten times!" instruksyon naman sa kanya kaya napahiya pa siya dahil feeling niya, bad breath pa siya. "Akala ko, ipo-possess na ako ng ipis, mygash!" pag-iiba na lamang niya sa usapan. "Dadaigin ko pa si Spiderman nito! Ang antot nga lang kasi ang magiging alyas ko e Cockroachman!" "Ang baduy naman ng name!" nakataas ang isang kilay na panglalait naman ni Delilah. "Wala bang mas madating, parang Superman? 'Yun malupit, marinig lang ang pangalan e tulo-laway at laglag-undies na!" "Roachman?" "Ekis, walang dating!" "CRMan?" "Tunog kubeta. Mag-isip ka naman ng mas sexy and manly!" "Hmmm," pag-iisip niya habang nakatingin sa kisame at kumukurap-kurap. "Sexy...manly...ano kaya?" "Asiwa naman na C*ckman. Baka habulin ako ng MTRCB, mala-SPG, R-18! Hanapan pa ako ng ruler ni direk, sukatin ko raw! Kapag kulang sa twelve inches, kulong! Hindi kaya ng powers kong magpa-sexy, Besh. Siguro, OK na ako sa Cockroachman, ang lalaking mahilig gumapang!" Napaubo tuloy si Delilah ng marinig ang kakatwang mga banat na naman nito. Hindi niya alam kung matatawa o mawi-weirduhan sa mga pinagsasabi nito na pang-out of this world. Ganoon pa man, aminadong naaaliw siya sa pagiging madaldal nito at masayahin. Marahil, naisip niya, walang boring moments kapag kasama ang lalaking ito. "Halika na nga, doon ka na lang muna sa guestroom," pag-aya na lang niya. Marahan niyang hinatak sa kabilang silid ang binata kung saan tinatanggap nila ang mga bisita na kadalasan ay mga kamag-anak. "May mga extrang damit doon kaya makapagbibihis ka na rin." "Pasensya na talaga sa abala," paghingi niya ng paumanhin. "Sorry talaga, nabulabog pa kita." "Hindi ka abala. Friends na tayo, hindi ba?" paninguro nito sa kanya habang naghahalughog ng mga damit na maaaring ipasuot kay Spartan. Nang makakita ng mga may tamang sukat, ihiniwalay na niya ang mga iyon at inabot sa kausap. Binuksan naman niya ang isa pang cabinet kung saan naroroon ang mga sabon, shampoo at ilang gamit pa ng panlinis ng katawan. "Heto ang toothbrush, toothpaste at mouthwash. Magmumog kang mabuti para mawala yun germs ng ipis sa bibig mo. Makapit pa naman ang lasa niyan. I know kasi nakakain na ako ng pandesal na ginapangan ng ipis. Kahit ilang sepilyo ko, nandun pa rin ang aftertaste." "Oo nga, Besh," pagsang-ayon naman nito. "Ako naman nakainom ng s**o't gulaman na may jebs ng ipis. Akala ko black gelatin, 'yun pala tragedy! Kaya yata na-trauma ako kasi nilagnat pa ako ng three days pagakatapos nun!" Hindi na napigilan ni Delilah na matawa nang ma-realize na pareho pala silang may hindi magandang experience sa mga ipis. Maging si Spartan ay napahalakhak na rin dahil sa lutong ng pagtawa ng kausap. "Alam mo, sobrang pretty mo kapag tumatawa o naka-smile. Sana palagi kang ganyan," paglalambing naman nito na nakapagpa-blush kay Delilah. "Sabi nga rin nila," nako-conscious na tugon naman niya sa pagpapuri sa kanya. Pag-angat ng tingin ay mas lalo siyang naasiwa nang magtagpo ang kanilang mga mata. Muli ay nawala na naman sa isipan niya na posibleng beki ang kaharap. Kapag nakikita ang sparkling green eyes ng binata, kumakabog-kabog talaga ang kanyang puso. "A-Ano...maiwan muna kita, ha. Magpe-prepare ako ng sopas. Maganda daw iyon para sa may lagnat kaya 'yun muna ang dinner mo," pagpapaalam muna niya bago makahalata ang kausap na crush nga niya nga ito. Mabilis siyang tumalikod at patakbong nagtungo sa may kusina. "Tsk! Tumigil ka nga!" pinagalitan pa niya ang sarili habang nagmamadaling maglakad. "Hindi kayo talo! Wala kang pag-asa!" Lingid sa kaalaman niya, may kislap sa mga matang hinahatid na pala siya ng tingin ni Spartan. "Nakakatuwa siya, maganda pa," pabulong niyang deklarasyon habang nakangiti at pinagmamasdan si Delilah. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Unang pagkakataon na naranasan niyang matuwa nang sobra-sobra sa isang babae. Napahawak na lang siya sa dibdib kung saan dama ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "Lubdub-lubdub...parang may sinasabing something si heart..." "Kalurkey!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD