Malalim na ang gabi at tulala pa rin na naglalakad si Spartan. Tila ba panandalian munang hindi gumana ang kanyang isipan sapagkat nabigla pa rin siya sa ginawang pagpapahiwatig ng pagnanasa ni Alicia. Hindi niya matanggap na ang itinuturing na matalik na kaibigan ay pagtatangkaan na akitin siya. Wala sa wisyong napaupo na lang siya sa tapat ng isang bar na pinamumugaran ng mga lalaking nagbebenta ng aliw sa mga sugar mommies, maging ng mga daddies. Pinagtinginan siya ng mga ito sa pag-aakalang baguhan at malamang ay makikiagaw pa sa mga posibleng customers. 'Di hamak na mas pogi pa naman siya at mukhang fresh sa mga ito kaya na-insecure pa sila kaya naisipan nilang pagkaisahan siya at takutin. "Hoy!" pagtawag ng pinakabeterano sa trabaho na naroon din at naghihintay ng customers. Nang

