Lumapit si Elmo kay Julie at bumulong. "Love, papatayin ba ako ni Maqui?" Julie silently laughed. Nasa loob kasi sila ng van ngayon na pinadala ng manliligaw ni Tippy at sinundo sila sa may SAU na din banda. Kanina pa kasi masama ang tingin ni Maqui kay Elmo. Papasakay pa lang ng van e parang papatayin na siya nito gamit lang ang tingin. "Paano ba naman kasi love, sabihan mo ba naman na ichaperone tayo." "O? Ano naman masama doon?" Inosenteng tanong ni Elmo habang pinapatong ang baba sa may balikat ni Julie. But instead of Julie answering, it was Nico who did so. "Kasi feeling niya ang tanders na niya dahil sa sinabi mo." Nico said in an irritated tone. "At pwede ba, matulog muna kayong dalawa. Ang haharot eh!" Sabi niya bago sumandal ulit aa may bintana at sinubukang matulog. Si Maq

