"Jules okay ka lang ba?" "Ha?" Napapitlag si Julie nang makita niya na nakatingin sa kanya si Bea saka si Tippy. Ilang araw pa lang nang makita niya ang mga text ni Xyra sa boyfriend niya. Puro ito mensahe na pinapabalik si Elmo sa kanya. Ni isang beses hindi nagreply si Elmo. "Okay lang ako." She smiled at her two friends. Free time nila at nakatambay sila sa Precinct. Ang mga lalaki naman ay busy sa pagnuod kay Kris habang naglalaro ito ng LOL sa laptop sa kabilang table. May klase pa kasi sila mamaya kaya nakaantabay lang sila sa oras. "Kaya pala nagtrending ang 'GF vs. LOL' sa Twitter nung isang araw." Sabi ni Bea na naiiling habang tintingnan ang mga kaibigan nila. Para kasi itong mga bata na nakakita ng lalaruin. Wish lang ni Julie na LOL talaga ang kaversus niya eh. Mas okay

