"Rise and shine Elmo Moses!!!" Elmo groaned before pulling his sheets closer and burying himself under them. Ang aga aga ginigising siya. "Elmo gising na..." Naramdaman niya na yinuyugyog siya ng kanyang ate kaya naman mas lalo lang siyang nagtago sa ilalim ng sheets. Nagpuyat siya kagabi kakatelebabad kay Julie eh. Nadagdagan nanaman ang kanyang mga eyebags. "Ate mamaya na... 30 minutes." Kahit hindi niya nakikita ay alam niya na umiikot ngayon ang mata ni Maxene. "Kasi... Pupuyat puyat." Naiinis na sabi ni Maxene. Elmo only buried his head further. "Wala naman na pasok ate e. Christmas brrak na kaya." "I know, kaya nga pupunta tayo ng Sta. Rosa ngayon." Kaagad naman napabalikwas ng bangon si Elmo sa sinabi ng ate niya. "Sta. Rosa? Bakit doon tayo?" "Shungabells lang Moe? Siyemp

