"Pa, Kuya una na po ako ah..." Nagmamadali nanaman si Julie Anne. Monday na Monday pa naman. Ayaw niya na mattrapik siya on the way to school. Pinakahate niya ang traffic. Kakasara pa lang niya ng gate at dederetso na sana sa paglakad nang muntik na siyang mabangga sa isang pader. Kelan pa nagkapader sa harap ng gate namin? But it wasn't a wall... "Elmo?" "Morning love!" Bati naman ni Elmo sa kanya na may malaking ngiti at hinalikan pa siya sa pisngi. halatang litong lito pa rin si Julie sa nakikita. "B-bakit ang aga mo ata nagising?" "Ouch naman love, ibig sabihin expect mo na late pa rin ako?" Sabi ni Elmo na kunwaring nagtatampo at nakahawak pa sa dibdib na kunwaring nahuhurt. Natawa naman si Julie sa inaasal nito. "Bakit, e bilang lang kaya sa daliri ko kung ilang beses ka maaga

